DAPAT NGA LANG talagang maging proud ang mga tao sa likod ng Bagets Foundation, Inc. dahil ang isang scholar nila sa ilalim ng itinatag na Bagets Scholarship Program ang nag-earn ng second highest distinction sa Polytechnic University of the Philippines last academic school year (2008-2009). Ms. Leorey A. Azcarraga was conferred magna cum laude sa 104th commencement exercises noong May 8, 2009 sa World Trade Center.
At kabilang sa listahan ng mga grumadweyt na ring mga scholars ng Bagets Foundation, Inc. ay sina Elaine Jolindon, Larra Gill Jolindon, Eddagie Matamis, Darren Sabaybay at Reynan Yting. Sila ang in-screen, in-evaluate at ini-refer ng PUP College of Mass Communication para maging bahagi ng Bagets Foundation College Scholarship Grant.
Kaya, kahit na maulan ang tanghaling nagpatawag ng presscon ang isa sa brains behind the said foundation, si Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista, sa Little Asia, treat na rin daw niya ito sa nasabing mga estudyante, pati na sa kanilang mga mahal sa buhay.
Si Bistek ang tumatayong treasurer ngayon ng samahan at si Eula (Valdez) ang Presidente at Vice naman si Raymond Lauchengcho. Secretary si Yayo Aguila at katulong din naman sa Board ang kanyang mister na si William Martinez at Ramoncito Gutierrez. Members din nito sina Cheska Ynigo, Jobelle Salvador, JC Bonnin at ang yumaong rapper na si Francis Magalona, pati na ang nauna nang nawalang si John Hernandez. And yes, join din si Aga Muhlach dito. Lahat ng nasa Bagets 1 and 2 eh, kabilang sa samahang ito.
Noong una nga, parang walang gustong maniwala na seryoso sila sa kanilang adhikain to put up the said Foundation. Kasi nga, napapag-usapan nila ito tuwing may get-together sila. Kaya nabanggit minsan ni Pia Magalona na puro inuman lang ang ginagawa nila sa kanilang mga pag-uusap.
Pero siyempre, sa mga get-together nga naman nila eh, kasama naman ang pagsasaya. And nakapaglatag na nga sila ng mga proyektong nais nilang gawin, gaya ng album at pelikula na si FM mainly ang mag-aasikaso dahil magkadugtong ito. But it so happened na nagkasakit nga siya at nawala na. At kahit naman daw si Boss Vic (del Rosario) na nilapitan nila before para sa nasabing proyekto eh, parang ayaw rin silang paniwalaan. But according to Bistek, may istorya na nga sila at gagawin na lang sana ni FM ang musical scoring pati ang theme nito.
With regards to Aga, ito pala ang madalas na nagiging katalo ni FM noon sa mga usapan nila about their projects. Siyempre, kasama talaga ang mga diskusyon sa ganyan. Pero sabi naman ni Bistek, in as far as his help with the foundation is concerned, bukas naman daw ang palad ni Aga sa pagtulong lalo na sa nasimulan na nilang proyekto.
So, ang inakalang walang pupuntahang tsikahan over inuman eh, magandang-maganda na ang naging bunga. Ang hiling nga lang daw nila sa kanilang scholars eh, ang i-maintain ang kanilang average na 2.25 at hindi bababa sa 2.5 sa lahat ng kanilang academic subjects!
NAKAKITA NAMAN NG tiyempo ang Bellhaus Entertainment ni Jeff Tan, na ilusand ang album ng bagong kikilalaning singing doctor sa katauhan ni Dr. Manny Calayan, ang kanyang Calayan Duets with the Icons.
Sabi ni Jeff, nakita raw nila ang passion ni Doc Manny sa music at pagkanta nang sumalang ito sa Celebrity Duets noon. Kaya, ito ang naisip nilang proyekto with him. Kaya, hindi rin basta-basta ang mga ka-duet ni Doc Manny sa nasabing album – Martin Nievera, Pops Fernandez, Faith Cuneta, Jed Madela, Jay-R, Ms. Pilita Corrales, Brennan at mga anak na sina Andrea at Bernice.
Ask namin si Doc kung gagawa ba siya ng video. Music video po! Oo naman daw. Pero iniisip pa nila ang concept at kung aling kanta ang uunahin nila.
The Pillar
by Pilar Mateo