ILANG KAIBIGAN NA ang nagtatanong sa amin kung totoong maghihiwalay na kami ni Vice Ganda bilang manager-talent.
‘Yun daw kasi ang blind item sa Paparazzi, ang talk show sa TV5 na sa totoo lang, napanood din namin.
Nagulat nga kami, eh. Honestly, nakakahiya naman kung aakuin namin ang blind item na ‘yon. Dahil maging kami, nagba-blind item din, eh. At ang konsepto namin doon, ‘pag hindi ikaw ang tinutukoy, ‘wag mong akuin.
Kaya dIyahe lang kung aakuin namin. Pero sa kabilang banda, kung lahat ay kami ni Vice ang hula, eh, ‘di sige, patulan na rin namin. Makasakay lang sa isyu.
SA TOTOO LANG, wala kaming kontrata ni Vice Ganda. Anytime one decides to go kung hindi na siya o ako masaya, puwede naman.
Pero ang relasyon namin, alam n’yo ‘yon, para kaming mag-asawa o magsyota. Away-bati, bati-away. Nagtatalong madalas, pero at the end of the day, nagkakasundo rin sa isang desisyon.
Sabihin n’yo nang maarte si Vice, lumaki ang ulo ni Vice o may sungay na si Vice, ang end-product pa rin naman ang titingnan natin, eh.
Ano ba’ng narating ni Vice Ganda ngayon? Nasaan na ba siya ngayon? Kung nagbago, people really change, ‘di ba? Normal ‘yon. Kung minsan, kailangang magbago para sa ibang direksiyon.
Pero ang konsepto kasi ng “paglaki ng ulo” dito sa showbiz, merong pamantayan, eh. Kung mabait ka nu’ng una kang ma-meet, hanggang sa pagsikat mo, ganu’n ka pa rin dapat.
Eh, paano naman kung ang unang nagbago, eh ikaw mismo, kaya tingin mo tuloy, lumaki na ang ulo niya?
So, bottomline pa rin: Vice Ganda cannot please everybody.
LAGI NAMING SINASABI, walang permanente sa mundo. Kahit nga ang matatagal nang mag-asawa, naghihiwalay, eh. Pinagbuklod pa ng pari ‘yon, ha?
So, kahit sa friendship at sa trabaho, gano’n din. Darating ang araw na magkakahiwalay rin kami ng landas ni Vice, dahil kailangan na o hindi na magkasundo.
Kaso, baka matagalan pa ‘yung pinapangarap ng iba na magkahiwalay kami, dahil busy pa nga ang bakla. Kahapon, nag-recording na siya for his album sa Viva Records.
Sa January 29 ang first day of shooting niya sa Viva-Star Cinema co-prod venture na solo movie uli; tapos, meron pa siyang Globe TVC shoot sa Feb or March; tapos, inaayos na rin ang May 21 major concert niya sa Araneta Coliseum.
Nakatakda uli siyang umalis for Europe tour. So, sa ngayon, wala pa kaming maibigay na time para pag-usapan ang paghihiwalay namin.
‘Wag kayong mainip. Hectic lang talaga ang sked ng lola n’yo.
PERO KAMI, SA totoo lang, sa 23 years namin sa showbiz (mula pa nu’ng mag-umpisa kami bi-lang alalay ni Ate Cristy Fermin), kabisado na namin ang takbo ng industriya, eh.
Una, hindi naman ang pagma-manage ng talents lang ang pinagkukunan namin ng “kabuhayan showcase”. Ang dami naman naming alam na ibang trabaho.
Movie reporter kami, artista rin kami na umaarte sa harap ng kamera. TV host din, radio anchor at nagpo-produce din ng show sa mga bars.
So, ‘pag nawala ang isa, hindi namin kailangang umiyak, dahil meron pa kaming alam na ibang trabaho.
Hangga’t malakas kami, hindi kami masamang tao, matino ka-ming katrabaho, marunong makipagkapwa-tao, hindi balasubas at hindi mandurugas, kaya naming magtrabaho nang matino.
So, dapat ba kaming manginig sa takot ‘pag nawalan kami ng trabaho?
Ang aming kalusugan na lang ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Panginoon para may lakas kaming makapagtrabaho at buha-yin ang aming dalawang pamilya.
Oh My G!
by Ogie Diaz