NINENERBIYOS BA SI Georgina Wilson sa interbyu ng TV Patrol sa kanya nu’ng Miyerkules ng gabi kaugnay ng kanyang tweets tungkol kina Paris Hilton at Pres. Noynoy Aquino? Nanginginig kasi ang boses ng model-actress. Halatang tensiyunado.
Nag-react kasi si Georgina sa umano’y courtesy call ni Paris Hilton kay P-Noy nu’ng duma-ting ang international star nu’ng Aug. 14. At ito nga ang post niya sa kanyang Twitter account: ‘why is PNOY taking time out of his ‘busy’ schedule to meet with Paris Hilton tomorrow. So shameful that he doesn’t have better things to do.’
Agad na nag-react ang mga fans ni Paris na sinagot ni Georgina sa kanyang tweet ng ‘I dnt mean to offend anyone or be negative I jst think that Paris Hilton isnt important enough for a president to meet up with. night guys :)’
Diin naman ni Georgina, ipinahayag niya lang naman ang kanyang opinyon at hindi raw niya pine-personal sina Paris at P-Noy. Sa kanyang paniniwala, hindi raw kailangang makipagkita pa si P-Noy kay Paris dahil commercial endorsement lang naman daw ang ipinunta nito sa bansa.
Opinyon ni Georgina ang kanyang tweets, kaya hayaan na lang natin at respetuhin. Ano naman kaya ang magiging ‘opinyon’ ng fans ni Paris sa model-actress?
ISA SA NATUWA sa pagdating ni Nora Aunor sa bansa si Vice Mayor Isko Moreno. “Isa siya sa mga assets natin sa industriya na talagang dapat nating alagaan,” wika pa ng actor-turned-politician. Nu’ng kabataan ni Vice Isko, binansagan siya noon na ‘Male Nora Aunor’ dahil halos mag-kaguhit ang kani-lang kapalaran ng Superstar. Napa-ngiti na lang ang bise-alkalde ng Maynila nang muli itong mabanggit sa kanya. Kuwento na lang ni Vice Isko, nakasama niya raw sa isang teleserye si Ate Guy at talaga raw namangha siya sa husay nito sa pag-arte.
“Biruin mo, bago ang take namin, e nagbibiruan sila ni Kuya Pip (Tirso Cruz III), nagtatawanan sila. Heavy ‘yung eksenang kukunan, ha? Pero panay tawanan nilang dalawa. Nu’ng eksena na, pagkasabing ‘Action!’, tumulo na agad ang luha ni Ate Guy! Lumabas agad ‘yung emosyon sa kanya. Kaya talagang naisip ko, ‘kaya pala Superstar talaga!’” masayang kuwento ni Vice Isko.
Kahit abala sa kanyang political career, hindi pa rin daw nakakalimutan ni Vice Isko ang pag-arte. “Nasa dugo natin ‘yan, e. Kung may offer, why not? Pero sinisiguro ko na after 5 p.m. lagi ang call time sa akin. Ayokong gamitin ‘yung oras ko na para sa mga kababayan natin,” saad pa niya.
Masaya ring ibinalita ni Vice Isko na on-going na ang construct-ion ng solar panel na gagamitin sa Session Hall ng Manila City Hall. “Mas matipid ito kesa sa kuryente, kasi, renewable energy ang ginagamit namin, at environment-friendly pa. In six months siguro, magagamit na namin ito. It has 25 years of guaranteed life span. Kaya ang laki ng matitipid namin dito,” pahayag niya.
Bali-balitang may isang prominenteng pulitiko ang nagbabalak na tumakbong alkalde sa Maynila. Simple lang ang pahayag ni Vice Isko dito. Aniya, “Lahat naman ay may karapatang tumakbo basta’t legitimate kang residente ng Manila.”
Bore Me
by Erik Borromeo