‘DI GAANONG KATANGKARAN, alanganing bagets, with long and blonde hair that badly needs a salon job, in short, walang karapatang mag-artista.
Umiikot ngayon ang showbiz upstart na ito promoting her new show, kung saan hindi naman siya bida. Araw-araw na rin siyang napapanood sa TV, but sorry, she lacks the looks of a genuine artista that fans would go gaga over.
At least thrice ko na ring natitiyempuhan ang non-artista-loo-king actress na ito. Again, sorry, hilaw ang kanyang acting sa kanyang nagbabait-baitang karakter. Is this the kind of neophytes that the TV network’s discovery department develops?
Sa isang programang pinag-promote-an niya, na-sight siya ng isang TV host. Bumulong ito sa isang staff, sabay sabing: “Sino ba ‘yung babaeng ‘yon? Artista ba ‘yon?” Sumang-ayon ang buong staff sa nagkomentong host.
Sayang, she does not live up to her beautiful screen name.
(Ronnie Carrasco)