ANG BABAE SA Balete Drive, si Lotus Feet, si Ruth, ang Pridyider, ang tiyanak, ang impaktita, at ang halimaw sa banga – ilan lamang sila sa mga kilalang karakter sa mga Pinoy horror movies na sumindak, nagpasigaw at nagpatindig sa ating mga balahibo.
Mahilig tayong mga Pinoy manood ng mga horror films kahit pagkatapos nito ay hindi naman tayo makatulog sa gabi o kinakabahan at baka may nakatayo sa ating likuran. Nakakatawa ang iba sa atin na pinapatay pa ang ilaw at nagtatalukbong ng kumot while watching horror movies. Nakatakip ng kamay ang mga mata pero sumisilip-silip din naman sa pinapanood na palabas. May kilala nga akong ayaw mag-drive sa kahabaan ng Balete Drive kapag gabi for fear that he might encounter the White Lady.
Malapit na naman kasi ang Halloween kaya napag-uusapan ang mga kwentong katatakutan. Here are some Pinoy horror movies that remain vivid in our minds dahil sa kanilang istorya at makapigil-hiningang mga eksena:
1.Patayin sa Sindak si Barbara – Starring Lorna Tolentino, Dawn Zulueta and Tonton Gutierrez. Ito ay tungkol sa paghihiganti ng isang di-matahimik na kaluluwa. In the movie, na-in love ang magkapatid na Barbara (Lorna) at Ruth (Dawn) kay Nick (Tonton) pero si Ruth ang kanyang pinakasalan to prove his love for Barbara who convinces him to marry her younger sister. Makaraan ang ilang taon ay umuwi ng bansa si Barbara matapos mabalitaan na nagpakamatay si Ruth. Dito nagsimula ang mga kababalaghan at pagpaparamdam ni Ruth sa mga taong inakala niyang gumawa ng matinding kasalanan sa kanya.
2. Feng Shui – Starring Kris Aquino, Jay Manalo, and Lotlot de Leon. Nakapulot ang karakter ni Kris ng isang bagua na naiwan ng isang pasahero. The old bagua mirror gives luck and prosperity to Kris but brings death to those near her. At sino ang hindi masi-sindak kay Lotus Feet? Sa isang eksena ay tumatakbo si Lotlot dahil hinahabol siya ng isang lasing. Pero nang nasa hagdan na siya pababa ay nakita niya si Lotus Feet hawak ang katawan niya at nakita niya kung paano siya mamamatay.
3. Shake, Rattle and Roll – Patuloy tayong tinatakot ng film series na ito since 1984. Some of the memorable episodes are Pridyider (Janice De Belen, Charito Solis, William Martinez) tungkol sa misteryosong refrigerator na nambibiktima ng mga babaeng lumalapit dito; Manananggal (QC Mayor Herbert Bautista won Best Actor at the 1984 MMFF) is about a teenager who was given the task by his lola to kill a manananggal; Aswang (Manilyn Reynes and Aljon Jimenez) tungkol sa barkadang nagpunta sa isang probinsiya na lingid sa kanilang kaalaman ay maraming bampira.
4. Tiyanak – Starring Janice de Belen, Lotlot de Leon and Mary Walter. Who could forget Mary Walter saying “Maligno ang batang yan”? In the story, Julie (Janice) keeps the newborn found by her sister. Pero naghinala si Julie that the baby is a demon in disguise nang magsimulang magkaroon ng mga kababalaghan at biglang mamatay ang kanyang ina.
5. Itim – Starring ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Tommy Abuel and Mario Montenegro. Charo won in the 1977 Asian Film Festival for her brilliant performance in this suspense-drama film. Kuwento ito ng isang kaluluwang ‘di matahimik at sumasanib sa kanyang kapatid na babae. Bawat eksena ay may hatid na suspense at mystery gaya ng pagsanib kay Teresa (Charo) ng kanyang kapatid na si Rosa at ng biglang pagloloko ng ilaw sa lumang botika ng bahay nina Jun (Tommy) kasabay ng pagbukas ng lumang cabinet which contains important documents in sol-ving the mystery.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda