ANG BABAE SA Balete Drive, si Lotus Feet, si Ruth, ang Pridyider, ang tiyanak, at ang halimaw sa banga – sila ay ilan lamang sa mga kilalang karakter na sumindak, nagpasigaw at nagpatayo sa ating mga balahibo sa mga Pinoy horror movies.
Mahilig manood ang mga Pinoy ng mga horror films kahit pagkatapos nito ay hindi sila makatulog sa gabi o kinakabahan at baka may nakatayo sa likod nila. Some scenes are memorable that they remain vivid in our minds for a long period of time. Ewan ko ba at kahit napanood ko na ang pelikulang Patayin sa Sindak si Barbara starring Lorna Tolentino and Dawn Zulueta ay nasindak pa rin ako sa bawat paramdam ni Ruth nang ipalabas ang sineserye nito sa ABS-CBN.
I asked some people kung ano ang kanilang ‘di malilimutang eksena sa Pinoy horror movies. Here are their answers:
Feng Shui. Nakagugulat siya lalo na ang mga eksenang lumalabas si Lotus Feet. – Xander, sales executive, 32 years old, Quezon City
Marami gaya ng checkpoint scene with Manilyn Reynes and Aljon Jimenez in Shake, Rattle and Roll 2; Mary Walter saying “Maligno ang batang ‘yan” in Tiyanak; and Alma Moreno preying on a pregnant Janice de Belen in Aswang. – Claud, teacher, 34 years old, Cavite
The young Matet de Leon saying “Takot ako” in Halimaw sa Banga. – Mart, government employee, 36 years old, Marikina City
The Lotlot de Leon scene in the movie Feng Shui. She was running because hinahabol siya ng lasing. Nu’ng nandoon na siya sa hagdan pababa nakita niya si Lotus Feet, hawak ang katawan niya at nakita niya kung paano siya mamamatay. Nu’ng naabutan si Lotlot ng lasing, sinubukan niyang lumaban kaso nahulog siya sa bintana at bumagsak siya sa mga bote. I consider it as unforgettable kasi Feng Shui is a Pinoy horror movie na maganda. – Roxy, marketing executive, 32 years old, Tondo
Although hindi siya considered as a horror film, Mike de Leon’s Itim starring Charo Santos and Tommy Abuel gives me the creeps. I first saw it in my film class at nagandahan ako nang husto sa kuwento tungkol sa isang kaluluwang ‘di matahimik at sumasanib sa kanyang kapatid na babae. Lahat ng eksena ay may hatid na suspense and mystery gaya nu’ng nasa lumang botika sa kanilang bahay si Tommy at biglang nagluko ang ilaw tapos bumukas ang lumang cabinet which contains important documents in solving the mystery. – Eugenie, writer, 35 years old, Quezon City
‘Yung Regal Shocker: The Movie Ang Aparador episode nina Ruffa Gutierrez and Aljon Jimenez. It’s not that scary but it’s a story of two siblings when they were kids (played by Judy Ann Santos and Jomari Yllana). They were always fighting and kinulong ni Jomari si Juday sa cabinet kaya ito namatay. – Francine, mother, 34 years old, Quezon City
Panoorin natin ang White House ng Regal Films starring Gabby Concepcion, Iza Calzado, Lovi Poe and Maricar Reyes. Tingnan natin kung anong eksena ang tatatak sa ating isipan.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda