NAKAKALOKA NAMAN KUNG totoo itong chika na nabalitaan namin about Charice Pempengco.
Naimbitahan daw si Charice to be one of the performers sa Kapamilya Caravan sa US recently. Sabi raw ni Charice, punung-puno ang schedule niya sa araw ng show kaya hindi niya ito maa-accommodate.
Since hindi siya libre sa araw na iyon, hindi na siya pinilit ng organizers ng Kapamilya Caravan.
‘Eto na ang siste. A few days before the concert ay tumawag daw itong si Charice at sinabing available na raw siya. Naloka siyempre ang mga namamahala sa show. Pero pinanindigan nilang hindi na siya pupuwedeng isama dahil buo na ang line-up. Isa pa, marami na ang nakabili ng tickets on the basis of the performers na nakuha nila.
Ayaw pa raw magpaawat ni Charice. Gustung-gusto raw nitong mag-perform pa rin.
Ang ginawa raw nito ay kinausap si Jed Madela at sinabihang tawagin siya mula sa audience para pakantahin.
Noong concert na raw ay naroon na si Charice, pero hindi siya tinawag ni Jed. Na-sense na kasi ng producer na balak tawagin ni Jed ang Pinay singing sensation pero tinitigan niya ito, sort of saying huwag na niyang ituloy na tawagin ang sikat na singer.
Totoo ba ito, Charice? Pakisagot nga!
IYAKIN PALA ITONG si Eula Caballero. Ito ang aming napatunayan nang maiyak siya habang ikinukuwento ang kanyang katuwaan at nakasama niya si Nora Aunor na tinawag niyang “workshop master”.
“Grabe po. Sobrang hindi ko ma-explain. Nu’ng nag-last taping kami ng ‘Sa Ngalan ng Ina’, talagang naiyak ako tapos kinausap ko po siya,” pagaralgal na sabi ni Eula.
Sa kanyang pagpapatuloy ay tuluyan nang napaiyak ang dalaga. “Sabi ko, thank you po kasi ang dami kong nare-receive na papuri sa iba, sa mga tao, sa mga nakakatrabaho ko po. Ang sarap ng feeling. Ang sarap-sarap pakinggan kaya ang sabi ko sa kanya, ‘ikaw po ‘yung workshop master ko’. Sobrang honored ako na nakatrabaho ko po siya. Salamat po talaga.”
Sabi pa ni Eula, physically ay walang pagbabago sa kanya.
“Physically, until now nagpapayat pa kami. Kailangan pa kasi,” sambit niya. At kung acting ang pag-uusapan ay marami namang nagbago.
“Unang-una, ang nakakatrabaho namin, magagaling na artista, so ang dami naming natutunan. So, nag-i-improve ‘yung acting namin,”
Parang edukasyon na rin daw ang trabaho ni Eula sa showbiz.
“Kahit ako right now, kahit hindi ako nag-aaral, I can say na sa pagtatrabaho, nag-aaral ako kasi mas marami akong natututunan na nagagamit ko sa buhay everyday.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas