HINDI NAMAN PALA nagtatago si Maricel Soriano. Kailan lang, namataan siya sa isang sikat na salon somewhere in Mandaluyong na nagpapaayos. Parang bagong gising pa nga raw ito nang dumating sa beauty salon.
Nakakapanibago raw ang ikinikilos ng magaling na actress, ayon sa mga beauty expert na nag-ayos kay Maria. Hindi na ito nagpapahid ng alcohol tuwing may nakikipagkamay o nagpapapirma ng autograph sa kanya. Palaging naka-smile sa bawat customers na makasalubong sa loob ng parlor. Pati mga tauhan ng salon ay super bait ang pakikitungo nito sa kanila.
Nawala na raw ang katarayan ni Maricel na dati nilang nakikita dahil matagal na nilang client ito. Nagpa-shampoo, blower ng buhok at nagpa-cleaning ng paa. Nang matapos, namudmod ng kadatungan sa mga nag-asikaso sa kanya. Palagi raw ganito ang drama ni Ms. Taray tuwing pupunta sa kanilang salon. Pati nga security guard ay inaabutan kaya super VIP treatmernt ang ibinibigay na service sa kanya.
Hindi kaya apektado si Maricel ng mga negative write-up na naglalabasan sa kanya kaya nagbago ang attitude sa pakikiharap niya sa tao? Well, hindi natin kilala nang personal si Maria, baka naman talagang ganoon siya sa taong gusto niya. Lumalabas lang ang sungay sa mga taong wiz niya type.
FIRST QUARTER NG 2012 magaganap ang pag-iisang-dibdib nina Valenzuela City Councilor Shalani Soledad at Pasig Congressman Roman Romulo. Ngayon pa lang ay pina-finalize na nila ang ilang detalye ng magiging motif, theme, church at kung anong klaseng wedding ang gusto nilang mangyari sa kanilang kasal.
Nag-iisip rin sila kung sino ang kakanta ng kanilang theme song sa araw ng kanilang kasal. Hindi pa nila napagdedesisyunan kung sinong singer ang kanilang napili. Kapag naayos na nila ang mga ‘yun saka pa lamang sila mamimigay ng imbitas-yon sa mga malalapit na kaibigan sa pulitika at kamag-anak. Siyempre, may wedding coordinator para maging maayos ang lahat. Marami ang nagsasabi na magiging wedding of the year sa susunod na taon ang kasalang Shalani at Roman.
Ayon kay Shalani, una nilang gagawin ang entourage at venue ng kasal na pinag-uusapan na nila ni Cong. Romulo. Kapag natapos na ang bagay na ito, saka pa lang nila sasabihin sa publiko ang buong detalye ng kanilang kasal.
Iba raw ang feeling ng isang babae kapag malapit nang ikasal. May halong kaba, excitement at nerbiyos ang nararamdaman ng Konsehala ng Velenzuela sa pagpapakasal niya kay Cong. Romulo.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield