KAHIT MINSAN NA silang nakapagbakasyon abroad, uulitin daw ‘yun nina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa birthday ng dalaga sa Pebrero 2010 at paaabutin na hanggang Araw ng mga Puso.
At ang lakad daw na ‘yun eh, solely para sa kanilang dalawa lang. Kaya sa halip na magsama siya ng chaperone eh, ipangsa-shopping na lang daw ni Cristine.
Kahit na na-extend pa ngayon ang Reputas-yon hanggang sa susunod na taon, gusto pa rin pala ni Cristine na magkasama sila ni Rayver sa isang pelikula, na ang tema eh, mala-“Step Up” o kaya eh, “Dirty Dancing”. Rayver providing the dances at siya naman daw eh, comedy naman.
Ipinagpapauna na ni Cristine na kahit pa isa sa mga lugar na pupuntahan nila ni Rayver ang Las Vegas (bukod sa Los Angeles at New York), hindi raw sila magpapakasal sa nasabing lugar. Maski nga raw siya eh, hindi niya naman talaga type na puntahan ang Las Vegas. Si Rayver daw ang may gusto na parang road trip lang ang gagawin nila.
“Kapag ikinasal ako, gusto ko ‘yung traditional way. At saka hindi ko ililihim kung ikakasal na kami.”
Mga five years pa naman daw ang hihintayin bago pa ‘yun dumating sa buhay niya at ng lalaking kanyang pakakasalan – na sana nga raw eh, si Rayver na. Hindi naman daw siya papayag na lumampas siya ng treinta na single pa rin siya.
MAY PART 2 pa sa darating na Sabado ang birthday special ni Kuya Boy Abunda sa kanyang programang The Bottomline sa ABS-CBN. At mas marami pang sasama sa panel para maghain dito ng mga katanungang most of us were afraid to ask, but will ask anyway.
Sinagot ni Kuya Boy ang mga tanong kung top o bottom ba siya – in connection sa titulo ng kanyang programa. But of course – nasa konteksto ito ng katuwaan ng mga adults.
At mabilis naman ito sa pagsasabing, “I’m always on top of my game.”
At dahil kasama sa mga unang naghain ng mga tanong sa kanya ang gaya ni Camsur Governor LRay Villafuerte, Katrina Ponce-Enrile at Atty. Lorna Kapunan – some questions were geared sa pulitika. Kung tatakbo ba siya sa susunod na eleksyon sa kanyang bayan sa Boronggan, Eastern Samar. At agad-agad, napakaraming nai-share ni Kuya Boy sa history ng kanyang bayan. Kaya agad-agad ding may nagkomento from the panel na he should run!
Sabi ni Kuya Boy, if and when he decides to run, it will be for a Gubernatorial post. Hindi raw siya cut out para sa Legislative post. And if he would run, sabi rin niya, “I would penetrate the impenetrable.”
Entertaining and at the same time educational ang pakikinig sa nasabing selebrasyon. At nasabi rin niya na kung sakaling isasalin sa pelikula ang kanyang buhay, ang gaganap dito eh, walang iba kundi si John Lloyd Cruz.
Natapos ni Kuya Boy ang kanyang thesis on “Dehumanization of Talents” – tungkol sa showbiz industry at kung paanong hindi ito maihihiwalay sa kabuuan ng ating pamumuhay, of what it is as a reflection of what we are as a society.
Kaya hindi namin binibitiwan ang panonood sa nasabing programa eh, dahil na rin sa dami ng natututunan at napupulot from the mind of one who doesn’t even consider himself as an intellectual.
Tutukan n’yo!
BLIND ITEM: MAPASAGOT kaya ng isang powerful businessman ang kanyang nililiyag na showbiz denizen sa pamamagitan ng paghahain nito ng katakut-takot na mamahaling mga bagay rito?
Tanggap naman ng businessman na may anak na ang kanyang nililiyag. At kung sakaling maging sila eh, hindi naman ito magiging problema kahit pa raw hindi na sila magkaanak at medyo may edad na ang nasabing artista.
Pero ang worry ng showbiz denizen eh, kung tatanggapin ba naman siya ng pamilya ng nasabing businessman na ang pangalan eh, nakatatak na sa maraming bagay sa ating kapaligiran.
Sino ba ang magpapasakay kanino?
The Pillar
by Pilar Mateo