ISA SA PINAKAAABANGAN ng mga manonood ng Eat Bulaga ang ‘Juan For All, All For Juan’ segment nito, kung saan dumarayo ang grupo nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa iba’t ibang barangay upang maghatid ng kasiyahan at papremyo.
Noong Sabado bago mag-um-pisang umere nang live ang naturang segment, hinimatay ang isa sa mga lalaking dancer nito na naging sanhi ng pansamantalang kaguluhan, marahil ay dahil sa sobrang dami ng taong nag-uusyoso at sa pabago-bagong ihip ng panahon. Pagkatapos ng nasabing pangyayari, maluwalhati namang naidaos ang programa at umere ito nang walang aberya na naghatid ng kasiyahan sa mga taga-Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
Pagkatapos ding umere ng segment, sari-saring reklamo ang nakarating sa mga barangay officials sa nasabing lugar. Marami raw ang naloko at umasa na sila ang mananalo sa naturang palaro sa TV.
Ayon sa mga taga-barangay hall, bago raw dumating ang team ng Eat Bulaga, may mga promo girl daw ng isang telecom company ang dumating sa kanila at nagbenta ng SIM card at P30 load. Ipinangako raw ng mga ito na kapag bumili sila ay magkakaroon na sila ng number sa ‘Juan For All’, kaya naman marami raw ang bumili, at binigyan nga sila ng number stub ng mga promo girl.
Kinabukasan, sa araw mismo ng live telecast, nagulat daw ang mga nagsibili ng SIM card nang magtakbuhan na ang mga tao sa mga numero na supposed to be, naka-reserve na raw sa kanila. Kaya nang mabunot ang mga numero 11 at 12, at ipinakilala ang nanalo, off cam after ng pag-ere, nagpupuyos sa galit ang lalaking may hawak ng stub na numero 12, at nagki-claim na dapat siya raw ang nanalo.
Sa kabila nito, naging aral sa mga tao ng naturang barangay na ang paglalaro naturang game segment ay dapat patas at naayon sa rules ng programa, at walang kinalaman ang Eat Bulaga sa anumang transaksiyon na may halong panloloko sa kanilang barangay.
Sa kaunting kasiyahang hatid nina Jose, Wally at Paolo, mara-ming tao ang nagkakaroon ng bagong pag-asa sa kanilang buhay. At sana, huwag namang gamitin ito ng mga taong may masasamang loob.
TONIGHT, IPAKIKILALA NA ang mga nagwagi sa Tweetbiz Bromance Award… ang award para sa mga artistang lalaki na naging sobrang sweet sa isa’t isa nga-yong taon. At ang mga nominado ay sina Enchong Dee at ang kanyang internet mystery guy, Ahron Villena at Ian Batherson sa kanilang Survivor romance, at sina Arnell Ignacio at Suzuki Sadatsugu for ‘I Love You, Pare’.
And the winner is… abangan n’yo sa Tweetbiz mamayang gabi.
AND SPEAKING OF bromance, ikakasal na sina Selina Sevilla at Lalen na bestfriend-turned-girlfriend ni Selina, at may konek sa Calayan. Tonight nga gaganapin ang thanksgiving sa Hotel Intercontinental at pagkatapos nito, fly na sila sa US para sa formal wedding.
The Lion’s Guard
by Gary de Leon