‘My Wife’ na ang Pakilala ni Robin kay Mariel?!

SIPAT: WALA NANG ATRASAN ang DEMANDA ni CLAUDINE BARRETTO kay ANGELICA PANGANIBAN.
EKLAT: ‘KASUBUAN na, e!

SIPAT: Pati raw si JOHNNY ‘MR. M’ MANAHAN IDEDEMANDA ni CLAUDINE?
EKLAT: PAGPAGAN na ‘yan ng SKELETONS in the CLOSET!

SIPAT: NAGLABAS na ng STATEMENT ang LEGAL COUNSEL ni ANGELICA na MANANAHIMIK na lang ito sa ISYU. At ANUMANG SABIHIN tungkol doon ay HAHANTONG na sa KORTE.
EKLAT: Uy, QUIET na CHILDREN. BEHAVE!

SIPAT: Ang ‘PANGIT’ ng NANGYAYARI sa SHOWBIZ, ‘no?
EKLAT: Pati sina CRISTY FERMIN at CHOKOLEIT, may DEMANDAHAN din!

SIPAT: Si ENCHONG DEE, IDEDEMANDA rin daw ang nag-REPORT at NAGSULAT ng umano’y CAR ACCIDENT ISSUE niya?
EKLAT: Ay, ang TARAY!

SIPAT: Naku, ‘WAG nang PARATINGIN sa KORTE ‘yang mga ISYUNG ‘yan…
EKLAT: PAGHARAPIN na lang sila sa ‘FACE TO FACE’!

SIPAT: Yes, ‘GOOD BOY’ na raw si BARON GEISLER!
EKLAT: Uy, SOBER siya nang SABIHIN niya ‘yon!

SIPAT: UMAASA pa si JAMES YAP na MAAAYOS pa ang GUSOT nila ni KRIS AQUINO.
EKLAT: TIYAK na HINDI SASANG-AYON… ang mga ABOGADO nila!

SIPAT: ‘MY WIFE’ na ang PAKILALA ni ROBIN PADILLA kay MARIEL RODRIGUEZ.
EKLAT: DAPAT daw… ‘MY NTH WIFE’!

SIPAT: Teka, KASAL na raw talaga sina BINOE at MARIEL.
EKLAT: OKAY. Next TOPIC…

SIPAT: ‘BAKIT siya nagka-STD? AKO naman HINDI!’ ang LITANYA ng FEMALE TV HOST. “BAKA sa IBANG LALAKI niya ‘yon NAKUHA, ‘no!’
EKLAT: PATUNGKOL ‘yan sa ISA ring FEMALE TV HOST.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #157: August 30-31, 2010
Next articleEdu Manzano at Cesar Montano, talunan kaya hindi nakabalik sa Dos?!

No posts to display