BLIND ITEM: NATAWA ako sa kuwentong narinig namin. Narinig lang namin ‘to, ha? Sa isang kumpulan ng mga bakla, maingay raw sa kama ang isang guwapong sexy young actor. Maingay na, nananabunot pa. “Sobra siyang mabaliw ‘pag sini-sing-along siya ng bakla, kaya ang tendency, malakas ang kapit niya sa buhok ng bading!”
Ha-ha-ha-ha!
Nako, nakakalokah naman ito, ha-ha-ha-ha!
Ayaw na naming magbigay ng clue, dahil mahirap, eh. Tsikahan lang naman ‘yon ng mga bakla. Baka exaj lang, kawawa naman ‘yung bagets. Baka sabunutan din kami, ha-ha-ha!
O, siya, belated happy birthday kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto!
TOTOO BA ‘TO? Si Kris Aquino, sa 2013 daw, tatakbong senador? Kung pabubulaanan ito ni Kris, maiintindihan namin. Pero kung aaminin niya o sasabihin niyang pinag-iisipan niya, baka posible nga.
Ang nakuha naming chika mula sa aming source sa Senado, “Sure na raw, eh. May political team na siya na umiikot. Sila ‘yung mga dating staff ni Sen. Ping Lacson, ‘yung ilan lang, hindi lahat.
“Hindi pa bumababa si Kris, ‘yung mga tauhan lang niya ang gumagalaw.”
Kung totoo man ito, panalo si Kris, lalo na’t walang bahid ng corruption ang Aquino family. May magandang pangalan, lalo na’t ang kuya niya ang Presidente ng Pilipinas.
Alin lang sa dalawa ang aabangan natin kay Kris: Idedenay niya o ikukumpirma niya?
AND SPEAKING OF Kris Aquino, medyo “emo” o “emote mode” ang lola n’yo sa kanyang mga tweets about her estranged husband James Yap.
Lumalabas na gusto niyang intindihin at ipaintindi na “that’s life”. ‘Eto nga, nag-tweet pa siya ng “Paalam Na” na kinompows ni Dingdong Avanzado at inawit ng ex-girlfriend nitong si Rachel Alejandro.
“Here are the lyrics – self-explanatory: Nais ko lang malaman mo laman ng aking puso. Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon. Na sabihin ito sa `yo `Di ko ito ginusto Na tayo’y magkalayo. Nguni’t di magkasundo Damdamin laging `di magtagpo.
“Paalam na, aking mahal, kayhirap sabihin… paalam na, aking mahal, masakit isipin na kahit na nagmamahalan pa, puso’t isipa’y magkaiba, maaaring di lang laan, sa isa’t isa…”
“Sana’y huwag mong isipin na pag-ibig ko’y di tunay… Dahil sa `yo lang nadama ang isang pag-ibig na walang kapantay.
“Ngunit masasaktan lang ang puso ang pagbibigyan Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan.
“Darating sa buhay mo pag-ibig na laan sa `yo.
“At mamahalin ka niya nang higit sa maibibigay ko…Paalam na aking mahal kay hirap sabihin, paalam na aking mahal, masakit isipin na kahit nagmamahalan pa puso’t isipa’y magkaiba,
“Maaring `di lang laan sa isa’t isa…”
“We really did love each other–but James got it right, in the end we were just too different to make it work. We had different likes, different thoughts, different dreams. But we are now friends.
“And I just wish him the love that is meant for him in the way I also wish that for myself.”
Oh My G!
by Ogie Diaz