SA QUOTABLE QUOTE ni Willie Revillame na “Bakit, iisa lang ba ang channel?!”, manhid na siguro ang ABS-CBN na pinagmalakihan sila ng kanilang talent. Kung tutuusin, Wiilie merely stated a fact. Hindi nga naman bukod-tanging Kapamilya network lang ang sumasahimpapawid.
But the way Willie said it made a lot of difference. Kung dismayado siya sa pinaglilingkurang istayon, he could have sought a dialogue with the bosses. Sabi nga, wala namang hindi nahihilot sa maayos na pag-uusap.
Willie’s arrogance seems to have spread far and wide. Hindi lang tao o kapwa niya Kapamilya (in the case of Jobert Sucaldito) ang binabangga niya, but rather the powerful media entity to which he extremely indebted.
So, batay sa premise niyang hindi lang naman nag-iisa ang network, pahiwatig ba ‘yon na ang pinupuntirya niyang istasyong lipatan ay ang TV5, the same station na nagkakandili ngayon kay Dolphy, his fellow Villar supporter? Pero ‘eto lang naman ang advice ni Tito Dolphy sa kanya: “Natikman mo na ang lahat, yaman, popularidad… sundin mo na lang ang puso mo,” or words to that effect.
At alam n’yo ba na kung sakaling tuluyang layasan ni Willie ang ABS-CBN ay siya mismo ang nagsabi kay Lolit Solis na willing siyang mag-guest sa Startalk provided na si Joey de Leon ang mag-iinterbyu sa kanya? Imagine, Willie guesting on a program na makakatapat ng kanyang show, hindi ba’t pang-aasar talaga ‘yan sa ABS-CBN?
THERE ARE “STARTS” and “ends” over at TV5 as far as their Gusto Ko Noon noontime block is concerned.
Nagsimula na ang marathon airing nitong Sabado for an indefinite period ang Koreanovelang First Wives Club (11 a.m. – 1 p.m.) at Smile Honey (1 p.m. – 3p.m.), thus giving their avid viewers to enjoy these treats for a longer, uninterrupted time.
Nasa finale week naman ang isa pang Koreanovelang My Wife is a Superwoman na araw-araw n’yong napapanood (11:45 a.m.) pagkatapos ng umaatikabong talakan sa Face-to-Face hosted by Amy Perez. Of course, the Koreanovela mania is at fever pitch lalo’t ang target audience nito’y mga nasa tahanan.
HANGGA’T MAAARI ay ayaw nang sagutin pa ni Felix Roco ang tungkol sa matagal na palang paghihiwalay ng kanyang mga magulang (erpat niya ang dramatic actor na si Bembol). Kasabay rin nito ang pagtanggi that he staged a walkout sa set ng isang indie film nu’ng nalamang kasama roon si Bembol.
Felix, who has a twin brother, used to be with GMA. For some reason, hindi namin siya nasilayan doon, only to see him cross-over to ABS-CBN with a more challenging career break. Shades of Bernard Palanca, na mula sa Kapamilya ay naging Kapuso na, only to crawl his way back into the ABS-CBN fold.
Kung hindi pa nga idinaos ang grand presscon ng Rosalka (to premiere on May 17), we would not have realized na may career pala sina Felix at Bernard via roles they could sink their teeth into.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III