BLIND ITEM: KINSA siya? Nakakatuwa ang kuwentong ito dahil may kinalaman ito sa pagtigas ng nota ng isang gay TV host habang nagti-taping. Sa eksena, may re-enactment tungkol sa isang blind item itong si gay TV host. Kasama sa eksena ang pagyakap ng isang lalaki na ginampanan naman ng isang DJ-TV host.
Habang ongoing ang re-enactment, napansin ng audience ang pagbukol sa harap ng fit na fit na pantalon ng gay TV host. Tinukso nang tinukso ng mga kasamahan sa show si gay TV host dahil aninag talaga ang kadakilaan ng bakla. Naku ha, girl na girl pa naman si gay TV host, pero may taglay pala siyang tuta sa gitna ng kanyang mga hita. ‘Yun na!
KITANG-KITA SA MUKHA ng dating senador na si Freddie Webb ang kasiyahan at labis na kaligayahan sa paglaya ng kanyang anak na si Hubert mula sa piitan. Napawalang-sala si Hubert sa kasong kinakaharap nang mahigit sa dalawang dekada na sa pagkasangkot niya sa Vizconde Massacre. Sa isang dinner kasama ang nakakatandang kapatid ni Hubert na si Fritz, at si Sir Freddie, ikunuwento nila ang mga bagay na nagbago sa kanilang pamilya simula nang muli nilang makapiling si Hubert. Walang hinanakit sa kanilang puso kundi puro pasasalamat sa malaking aginaldo ng Diyos sa kanila noong panahon ng Kapaskuhan.
Sa kabilang banda, balik-showbiz ang dating senador na si Freddie via Babaeng Hampaslupa sa TV5. Masaya siya na binigyan ulit siya ng pagkakataon ng Happy Network na maipamalas ang kanyang galing sa pag-drama.
NOONG SABADO, JANUARY 29, sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La, umaapaw ang mga bigating bisita ni Willie Revillame para sa kanyang 50th birthday celebration. Naglalakihang mga pangalan sa mundo ng pulitika, negosyo at showbiz ang nagpakita ng pagmamahal kay Willie na kahit hindi gaanong mabuti ang pakiramdam noong panahong ‘yun ay nakipagsaya pa rin sa kanyang mga bisita. No show ang mga best friends ni Willie na sina John Estrada at Randy Santiago.
Ngayong halos nasa kanya na ang lahat, may mahihiling pa kaya siya sa kanyang buhay? “Wala na akong wish sa buhay ko, sobra-sobra na… ‘yung wish ko lang ‘yung mga tao, sana bumuti lahat ang buhay.”
Naging emosyonal si Willie sa kanyang birthday speech, pero ito raw ay luha ng kaligayahan dahil hindi siya iniwan ng Diyos sa kanyang mga laban sa buhay. “Wala akong bitterness, wala akong hatred, puro saya lang talaga, saya lang lahat.”
Hindi nakarating si Meryll Soriano dahil nasa London ito at nag-aaral, pero dumating naman ang first wife ni Willie na si Princess Punzalan. “Masaya ako, kasi siya ‘yung una kong wife, ‘di ba? And then we got annuled, siyempre makikita mo naman ‘yung mga taong very supportive, mabuti ka ring tao sa kanila, kaya ‘andiyan pa rin sila.”
Nagpaabot naman ng mensahe si Wil sa kanyang mga tagasuporta. “Walang katapusang pasasalamat, ipagpatuloy po natin ang saya natin, tuloy ang pag-asa, ‘yung programa hindi naman nakikipagkumpetensiya. ‘Yung Willing Willie ay tuloy lamang at makapagbibigay ng saya sa mga kababayan.”
Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.
Sure na ‘to
By Arniel Serato