MAY BALITA NA po ba sa “certification process” na isinasagawa ng DFA? ‘Di ko po alam kung itutuloy ko ang application ko kasi ‘di ko alam kung may ban o wala sa inaaplayan kong bansa.—Gino ng Cabanatuan City
ALINSUNOD SA RA No. 10022, ang DFA ay magsasagawa ng pag-aaral sa iba’t ibang bansa upang i-certify ang mga ito kung ligtas dito ang mga Pinoy o hindi. Kapag hindi ligtas, magpapalabas ng deployment ban ang pamahalaan sa nasabing mga bansa.
Narito ang mga inaalam ng DFA: (1) Ang host country ba ay may batas sa paggawa na nangangalaga sa ating mga manggagawa? (2) Ang host country ba ay lumagda sa mga kasunduang pandaigdigan na nagbibigay-proteksyon sa mga OFW? at (3) May bilateral labor agreement ba tayo sa nasabing bansa?
Batay sa mga pamantayang ito, narito ang mga bansa na pumasa at puwedeng padalhan ng mga OFW: Angola, Kenya, Namibia and South Africa in Africa; Argentina, Belize, Bolivia, Brazil, Canada, Chile, Columbia, Costa Rica, Ecuador, Guam, Guatemala, Guyana, Jamaica, Mexico, Northern Marianas, Paraguay, Peru, Suriname, Uruguay, United States of America and Venezuela in America; Albania, Austria, Azerbaijan, Belgium, Bosnia-Herzego-vina, Czech Republic, Cyprus, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Italy, Ireland, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxemburg, Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, San Marino, Slovak Republic, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, The Netherlands, Turkey and the United Kingdom in Europe; Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Laos, Macau, Maldives, Malaysia, Marshall Islands, Myanmar, New Zealand, Palau, Sri Lanka, Taiwan, Vietnam, Israel, at Oman.
Kung kayo’y nagtataka kung bakit wala pa ang ibang bansa dito sa listahan, ito ay dahil partial lang ang listahang ito. Sa mga darating na araw, magpapalabas pa ang DFA ng ilan pang kuwalipikadong bansa.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo