BONGGA ang ginanap na media launch ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa announcement ng 10 entries na pasok sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.
Mala-fiesta ang atmosphere sa hotel na pinagdausan nito at karamihan sa mga artistang may entry ay present sa event.
Sa taong ito, kasali ang pelikulang Cuddle Weather na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at RK Bagatsing mula sa produksyon ng Regal Entertainmenet at Proj 8.
Nakapasok din ang pelikulang LSS (Last Song Syndrome) na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos at ng grupong Ben & Ben. The film is under the direction of Jade Castro.
Pangatlo sa official entry ang comedy film na Panti Sisters starring Martin Del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros. Si Jun Lana naman ang director ng pelikula.
Isang barkada movie naman ang pelikulang G! na mula sa produksyon ng Cineko ang napasama rin sa line-up. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina McCoy De Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea mula sa direksyon ni Dondon Santos.
Mapapanood din sa PPP ang melinnial movie na I’m Ellenya L na pinagbibidahan nina Maris Racal at Inigo Pascual. Ang pelikula ay directorial debut ni Boy 2 Quizon.
Kasama rin sa 10 entries ang pelikulang Open ni Arci Muñoz at Jc Santos. Ang Open ay mula sa T-Rex production mula sa direksyon ni Andoy Ranay.
Napili din ng jury ang pelikulang Watch Me Kill para ipalabas sa PPP. Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Jean Garcia at Jay Manalo mula naman sa direksyon ni Tyrone Ancieto.
Bukod sa unang 7 napiling full length film ay tampok din ang tatlong espesyal na pelikula bilang bahagi ng selebrasyon ng 100 taon ng taon ng pelikulang Pilipino.
Ito ay ang mga pelikulang Circa ni Adolf Alix Jr., sa pangunguna nina Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacklyn Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Anita Linda.
Lola Igna ni Eduardo Roy Jr. sa pangunguna naman nina Maria Isabel Lopez, Yves Flores, Angie Ferro at Meryll Soriano.
At ang Pagbabalik ni Hubert Tibi at Maria Ranillo sa pangunguna nina Suzette Ranillo, Vince Ranillo at Gloria Sevilla.
Mapapanood ang mga pelikulang nabanggit on September 13 to 19, 2019 in theaters nationwide.
La Boka
by Leo Bukas