NAPANOOD NA NAMIN during the premeire night ang 100 Tula Para Kay Stella na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos and since then, hindi kami maka-get over sa ganda ng pelikula.
Ang ganda ng narrative ng movie na idinirek ni Jason Paul Laxamana. Ang huhusay nina JC at Bela. Mapapamura ka talaga sa galing nila at hindi mo gugustuhing tumayo sa upuan para mag-CR dahil baka may ma-miss ka.
Ikinumpara din ang pelikula sa blockbuster indie na Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez at ayon sa maraming nakapanood, mas maganda ang 100 Tula kumpara sa nauna.
Ang challenge na lang ngayon sa Viva ay kung ma-achieve din ba nila ang almost P300 million mark na kinita ng Kita Kita.
Pero sa napakagandang feedback ng pelikula, posibleng ma-duplicate nga ng 100 Tula ang success ng Kita Kita. Ang lakas kasi ng tulong ng word of mouth from the people who have watched the film already.
Nakakatuwa ring malaman na sa maraming sinehan, nagpapalakpakan ang tao pagkatapos nilang mapanood ang 100 Tula. Ibig sabihin, sobrang na-appreciate nila ang pelikula at sinasaluduhan nila ang kabuuan nito.
Ang 100 Tula Para Kay Stella ay binigyan ng grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). And for the record, pang-apat na Graded A movie na ito ni Direk Jason.
His first was the indie film Magkakabaung na pinagbidahan ni Allen Dizon at ang tatlo pa niya ay ang Third Party, Pwera Usog at ito ngang 100 Tula Para Kay Stella ng Viva Films.
If I’m not mistaken, siya pa lang ata ang director na may ganitong record sa CEB kaya congratulations Direk Jason.
La Boka
by Leo Bukas