IMBES NA 2/3 ng Senado o 16 na boto ang target ng mga nagsusulong na mapatalsik si Renato Corona sa pagiging Chief Justice ng Supreme Court, 11 lang sa mga ito ang nag-convict sa kanya.
At sa halip na walong (8) boto lang ang hinahagilap sana ni Corona para manatili sa puwesto, 12 ang pumabor upang siya ay mapawalang-sala!
Ang mga bumoto kontra kay Corona ay sina Sens. 1) Franklin Drilon, 2) Kiko Pangilinan, 3) Antonio Trillanes III, 4) TJ Guingona, 5) Serge Osmena, 6) Koko Pimentel, 7) Edgardo Angara, 9) Loren Legarda, 10) Miriam Defensor Santiago at 11) Jinggoy Estrada.
Pinawalang-sala naman si CJ Corona nina Sens. 1) Joker Arroyo, 2) Lito Lapid, 3) Bong Revilla, 4) Bongbong Marcos, 5) Manny Villar, 6) Ralph Recto, 7) Pia Cayetano, 8) Juan Ponce Enrile, 9) Gringo Honasan, 10) Tito Sotto, 11) Chiz Escudero at 12) Allan peter Cayetano.
Kukulangin na rin tayo sa espasyo kung isasalaysay ko pa rito ang puno’t dulo ng aking panaginip! Hehehe.
Ngunit sa totoo lang, parekoy, kung ano ang magiging boto ng ating magigi-ting na senador, ayon sa pagkakasunod ng kanilang pangalan ay ‘yan talaga ang kumislap at nakita ko sa aking panaginip!
Whew! Para talagang totoo! Hak, hak, hak!
Sa bagay, ‘di ba may kasabihan ang matatanda na baliktad umano ang panaginip?
Nanay kupow! Ibig sabihin, parekoy, kung sakali mang mabaliktad nga ang resulta ay 11 pa rin ang magiging boto pabor kay Corona at 12 ang kontra?
Meneng tusey, lusot pa rin si Corona!
‘Yan, parekoy, ang sinasabi natin dito sa Impeachment na nilaga ng grupo nina Iloilo Rep. Niel Tupas, masyado pang hilaw ay minadali na nilang inihain sa Senado!
Sa tunay na kaganapan, parekoy, ang natapos pa lang ng prosecution team – pagprisinta ng mga testigo o ebidensiya ay ang sinasabi nilang pinakamalakas nilang kaso na Article of Impeachment # 2.
And to think, na kahit hindi pa naglalatag ang mga abogado ni Corona ng kanilang depensa sa nasabing artikulo ay halos kitang-kita na ang magiging boto ng matatalinong senador sa pamamagitan ng kanilang mga comment!
At mapaghahalata rin, parekoy, na mistulang nilamukos na pandikot ang kanilang mga argumento kumpara sa tinatawag na presumption of innocence ni Corona!
Bakit? Ala eh, mismong mga senador na ang nagpapahayag na ang nilalaman ng Art. 2 ay tungkol sa “non disclosure of SALN” samantalang ang kanilang mga ebidensiya ay tungkol umano sa ill-gotten wealth na nauna nang ibinasura ng Senado!
‘Yan parekoy ang dahilan kung bakit kaming mga nagnanais na mapatalsik si Corona ay sobra ang galit kina Rep. Tupas et al.
Dahil kung hindi minadali ninyong mga damulag kayo, kung inayos ninyo ang pagluto sa Art. of Impeachment 2 at inilatag nang maayos ang tungkol sa unexplained wealth, sana ay walang lusot si Corona!
Kaya dapat matuto na kayong mga tinamaan kayo ng lintek!
Tapos sasabihin na naman ninyo na mayroon pa namang 7 articles?
Bolahin ninyo ang lelang ninyong ulyanin!
Eh, kung ‘yon ngang pinakamalakas ninyong artikulo ay tamlay lang ni Corona!
Next time, ang madaliin ninyo ay hindi ang Impeachment, kundi ang pagdalirot sa napakataas na presyo ng produktong petrolyo!
P’we kayong lahat!!!
PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303