GUSTO NAMING papurihan ang OB-Gynecologist ng misis namin, dahil one time, usap kami. Naikuwento niya sa aming merong isang TV personality na merong anak at ‘yung anak nito ang kanyang pasyente.
Kapapanganak pa lang daw nito kelan lang. “Normal and healthy naman ‘yung baby despite the fact na ang nanay nu’ng bata ay 12 years old lang.”
Na-shock nga kami, eh. Inaalam naming pilit kung sino ang TV personality na ‘yon, pero ang sabi ng doktora, “Hay, nako, Ogie, ‘wag mo na ‘kong pilitin at hindi ko rin naman sasabihin sa ‘yo.
“Kahit sabihin mo pang off-the-record, no need. Ikinuwento ko lang sa ‘yo, dahil gusto ko, alagaan mo, tutukan mo lahat ang mga anak mo, puro babae pa naman. Importanteng nagagabayan mo nang tama ang mga anak mo.
“’Yung nanay nu’ng bata, wala nang nagawa. Nandiyan na, eh. Maagang nakipag-boyfriend ‘yung anak niya. Dose ‘yung bata at ang boyfriend ay 16 lang. Imagine, ang aga nilang magkaroon ng responsibilidad. Ninakaw agad ng responsibilidad ang kabataan nila sa halip na nag-e-enjoy sila at nag-aaral.
“Mabuti’t hindi naman nila naisipang ipa-abort, kaya hahanga ka rin du’n sa mag-ina!”
So, sino nga?
“Hahahaha! ‘Wag na nga. Okay na ‘yon. Ingatan mo ang mga anak mo, dahil ibang klase na ang mga kabataan ngayon!”
‘Yun ang gusto naming ipuri sa aming OB-Gynecologist. Na pina-practice nito ang strict confidentiality sa kanyang propesyon.
(By Ogie Diaz)