Mukhang malaki ang tama ng award-winning actor at “Ang Probinsiyano” star na si Arjo Atayde sa young actress na si Jane Oineza na umamin na lumalabas-labas kasama si Arjo lately.
Tsika nga ni Arjo Atayde, “Honestly, gandang-ganda ako sa kanya, and I want to get to know her. But of course, I don’t want to jump into anything without getting to know her, so nagti-text kami when hindi busy. So for now, ganun na muna, kasi wala talagang time. But I’ll take it from here.”
Kahit nga ang ina ng binata na si Ms. Sylvia Sanchez ay boto rin kay Jane Oineza at nagpahayag na kahit sino ang mahalin ng kanyang mga anak, hindi siya nakikialam, as long as marespeto ang kanilang makarerelasyon sa lahat.
Hinahayaan daw nito na pumili ang kanyang mga anak ng kanilang mamahalin, lalo na’t nasabi na naman nito sa mga ito ang mga qualities na gusto niya.
Kapamilya stars, nagpaabot ng pasasalamat sa advertisers sa Ad Summit 2016
Isang gabing puno ng saya at pasabog na performances ang inihandog ng pinakamalalaking ABS-CBN stars at love teams bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga advertiser sa nakaraang Ad Summit Pilipinas 2016.
Bukod sa sayang hatid ng celebrities, tunay na panalo ang mga Kapamilyang advertiser sa mga sorpresa at malalaking papremyong ipinagkaloob ng ABS-CBN.
Isa sa pinakakinagiliwang segment ng gabi ay ang “Tawag ng Tanghalan”, kung saan nagsilbing host sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Mariel Padilla, na nilahukan ng tatlongdelegates, na nagpamalas ng nakaaantig na galing sa pagkanta. Itinanghal namang kampeon si Norman Agatep ng 4A’s na nagkamit ng P50,000.
Nagkagulo rin ang mga manonood sa paglabas ng bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin kasama ang kanyang mga sidekick na sina Xymon ‘Onyok’ Pineda at Pepe Herrera.
Bukod sa good vibes, panalo rin ang pag-ibig sa Ad Summit sa pagpapamalas ng tambalang KathNiel, LizQuen, KimXi, at DanRich ng matinding kilig sa advertisers.
Tuloy naman ang kilig sa panghaharana ng Kapamilya leading men na pinangunahan nina Piolo Pascual, Sam Milby, Matteo Guidcelli, at Xian Lim. Hindi rin naman nagpahuli sa pagpapakilig ang naggagwapuhang celebrities na sina Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Daniel Matsunaga, Ejay Falcon, Tommy Esguerra, at Joseph Marco.
Ipinakilala rin ng ABS-CBN ang US TV hit series na “Jane the Virgin” at ang Koreanovelang “My Love Donna” bilang mga bagong palabas na dapat abangan sa Kapamilya Network. Hindi rin dapat palagpasin ang nalalapit na pagbabalik ng “The Voice Kids” at ng “Star Circle Kid Quest” na muling magpapamalas ng galing sa kantahan at pag-arte ng mga kabataan.
Samantala, ilang masuwerteng delegates din ang nag-uwi ng papremyo mula sa ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay Platinum Karaoke Set, Jason Derulo concert tickets, Monster Jam tickets, 20 boxes ng ABS-CBN TV Plus, at dalawang P100,000.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng world-class performances ang semi-finalists ng “Pilipinas Got Talent” season 5 kasama ang “The Voice Philippines” alumni na sina Lyca Gairanod, Elha Nympha, Morissette, Darren Espanto. Nagpakitang gilas din ang kauna-unahang “Dance Kids” grand champion na Lucky Aces at ang Tourist Stars ng “I Love OPM”.
John’s Point
by John Fontanilla