Name your price. Ito ang offer sa magandang aktres na si Iza Calzado ng isang senatoriable para i-endorso siya, ayon sa kuwento sa amin ng manager ng aktres na si Noel Ferrer kahapon sa press conference ng pelikulang “My Candidate”, kung saan si Iza plays the role of a trapo (traditional politician) sa pelikula ni Quark Henares na ipalalabas na sa May 11.
Maging ang manager ng aktres, naloka sa offer ng staff ng senador na ayaw nang idetalye ni Noel kung sino o kung saang partido konektado ang pulitiko.
Sa darating na eleksyon, paniwala ni Iza na tayong mga Pilipino ay dapat na mag-isip kung sino ang ating iboboto dahil for the next 6 years, kung sino man ang iboboto natin come Monday, May 9, sa araw ng eleksyon ay magiging kritikal sa buhay ng bawat Pilipino.
Ayaw mag-comment ni Iza Calzado sa mga showbiz personalities natin na may iniendorso.
Kung ‘yong iba ay ginagawa ang endorsement dahil naniniwala sila na may magagawa ang kandidatong pinaniniwalaan nila sa naghihakos nating bayan, ‘yong iba naman ay mga artistang natatapalan lang ng malaking halaga ng pera para i-push ang pulitiko na nagbayad sa kanila para i-promote sila.
Sa kaso ni Iza na iba ang paniniwala (na taliwas sa karakter niya as Vera Sanchez sa pelikula) ay sana maging matalino ang bawat Pilipino sa kanilang gagawing pagboto sa darating na Lunes.
We saw the film sa press preview nito yesterday and liked it. Magaling si Iza sa pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta