Arnell Ignacio, sa wakas, nagparamdam na sa nasa ICU pa ring si Richard Pinlac

Arnell Ignacio & Richard Pinlac
Arnell Ignacio & Richard Pinlac

Eksaktong dalawang linggo since colleague Richard Pinlac was rushed to the ICU of the Capitol Medical Center—na tumayming pa sa proklamasyon ng ngayo’y Presidente nang si Digong Duterte—nang magparamdam na sa wakas si Arnell Ignacio.

Minsan na naming binulabog ang atensiyon ng TV host-comedian (dito sa Pinoy Parazzi) tungkol sa tila kawalan ng panahon—at pakialam—nito sa kalagayan ni Richard to think na madalas niya itong kalampagin sa mga gabing he needed company.  At nakapagtataka na ni sa Facebook wall nito ay wala man lang panungumusta si Arnell Ignacio sa inatakeng kaibigan, instead his social media outlet is replete with nothing but his fanaticism toward Digong.

On Richard’s second week of confinement ay pinasadahan namin nina Cristy Fermin at Pilar Mateo si Arnell sa “Cristy Ferminute” (sa Radyo Singko ng News 5) as our way of venting our thoughts and sentiments patungkol sa isang tao na kung ilarawan namin sa buhay ni Richard Pinlac ay isang “fair weather friend”.

Kumain din nang humigit kumulang na kinse minutos an gaming pag-oopinyon sa ere, even lambasting Arnell for his latest five-minute video (na isa lang sa marami) which he posted himself questioning the now-proclaimed VP Leni Robredo on election-related issues tulad ng umano’y pandaraya.

Pasado alas sais ng gabi nang na magpaalam ang “CFM” sa himpapawid, karaniwan kaming sabay-sabay nina Cristy at Pilar sa pagbaba mula sa ikalawangpalapag ng TV5 Media Center patungo sa nakahimpil na van ni Cristy when out of nowhere ay tumatawag si Arnell kay Pilar.

Pilar didn’t pick up the call, hanggang sa nagkahiwa-hiwalay na kami patungo sa magkaibang destinasyon. Nakauwi na kami ng bahay nang makatanggap kami ng forwarded text message mula kay Cristy sent by Richard mother Mama Yolly.

Kadadalaw lang daw ni Arnell kay Richard, nag-abot ng tulong. Pero sa dulo ng text message ni Cristy which she said herself: “Ha, ha, ha…Kailangang pitikin para magising sa katotohanan.”

Reply namin: “Kutusan pa kung kinakailangan…chos!”

Sa gesture na ‘yon ni Arnell—bunga ng aming pamimitik—it’s but proper to thank him. The irony is that, si Arnell itong gising na gising, mulat na mulat kumpara sa comatose pa ring si Richard, pero si Arnell pa ang kailangang gisingin.

NASA IKALIMANG Biyernes pa lang ng gabi ang comedy variety show na “Happinas Happy Hour” sa TV5 ay mabilis na itong nagiging kontrobersiyal, at isa sa mga dapat pagkalooban ng kredito—aside from the comedic tandem of Ogie Alcasid and Janno Gibbs—is the bunch of “imports”.

Malaking bentahe ang stunning presence ng hotties led by Maria Ozawa na meron nang sariling segment, ang ‘Cooking ni Maria’ (pardon the double entendre), idagdag pa ang ilang nagseseksihang babae tulad nina Roxee B, Abby Poblador, Daiana Menezes, at Ella Cruz who open the show this Friday night.

Playing Groggy Duterte (Janno), he takes the hot seat in Abby’s ‘Text Talk with Abby’, samantalang for the first time on TV ay isasalang si Rufa Mae Quinto in her bridal shower in ‘Maboteng Usapan’.

Kilig din ang mga inihandang fun games tulad ng ‘Undress To Impress’, ang pasahan ng gummy bears at ang nagbabalik na ‘Dikit To Win It’.

As if all this isn’t enough, isang milyong piso ang naghihintay sa lucky Smart retailer in HHH’s Smart Ka-Partner Rewards Promo. Nag-enjoy ka na sa panonood, may tsansa ka pang maging milyonaryo!

‘ETO ANG dapat abangan sa “Ismol Family” ngayong Linggo.

Pagkatapos masunugan ng bahay, pansamantalang pinatuloy ni Jingo sa kanyang tahanan si Mama A. at ang kanyang mga alipores na sina Bobong at Lance. Pero sa halip na magpasalamat ay tila minasama pa ng kanyang biyenang O.A. ang pagmamagandang-loob ng manugang.

Hindi kasi nagustuhan ni Mama A. ang ginawang set-up sa kanila  ni Jingo sa isang tent sa likuran ng bahay dahil nagmumukha daw silang “iskwater”. At para makatulong sa kanilang mga pangangailangan, gumawa ng “raket” sina Bobong at Lance para makadelihensya ng pera mula sa mga pasahero ng mga bus at jeep.

Samantala, dahil officially “in a relationship“ na ang kanilang status  ay more time with each other” ang peg nina Ethan at Yumi. At isang sexy pero nakalolokang serbidora ang papasok sa Oh Apol Bakeshop, si Maja, ang babaeng mala-game show dancer ang aura at sobrang hilig mag-split.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleProblemang bayarin sa eskuwela!
Next articleArsenal, gustong sumikat ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa

No posts to display