JayR, itinangging nagli-live in sila ni Krissa Mae Arrieta!

NAG-REACT SI JAYR sa nasulat namin last Wednesday tungkol sa sleep-overs ng dyowa niyang si Krissa Mae sa bahay niya sa New Manila.

“Hindi naman kami nagli-live in. Actually, ngayon ko lang narinig ‘yang chismis na ‘yan. Pero okay lang ‘yan,” esplika ng singer nang makapanayam ito kamakailan para sa kanyang album launch.

Hindi naman apektado si JayR sa aming nasulat.

“It comes with the territory. Sa show business, laging may ganoon na factor so sanay na kami.”

Anyway, hindi naman namin sinabi na nagli-live-in na sina JayR at Krissa Mae. Ang isinulat lang namin ay ang pagtulog-tulog minsan ni Krissa Mae sa bahay niya.

So, there!

NAKATUTUWA PALA ITONG si Kris Aquino. Ayaw na ayaw pala niyang maiistorbo sa kanyang pagtulog.

Ang drama ng Queen of Talk, hindi siya puwedeng istorbohin ng kahit na sino kapag siya ay nagpapahinga. Not even her husband, James Yap.

Ang kuwento sa amin, kapag nakatulog na si Kris sa kanilang kuwarto ni James na wala pa ang kanyang basketball player-husband ay hindi na ito puwedeng pumasok sa kanilang room. Magigising kasi ang taklesang TV host ay ito raw ang ayaw na ayaw niyang ginagawa sa kanya.

Usually kasi, pag may game si James ay inaabot na ito ng gabi sa pag-uwi sa kanilang condo sa Serendra sa The Fort.

At saan naman natutulog si James kapag sleeping beauty na ang drama ng kanyang dyowa?

Well, sa isang spare room daw natutulog ang basketball player.

Gano’n?

At kapag gusto raw magpahinga ni Kris at naroroon sa bahay ang kanyang mga anak ay binibigyan niya ng pera ang mga yaya nina Baby James at Josh para aliwin ang kanilang mga alaga. Usually, sa mall daw dinadala ng mga yaya ang dalawang bagets.

At very generous daw itong si Kris sa kanyang household helpers, ha!

MAY DIGITAL FILMMAKING workshop na in-organize ng Plusiminus Film Camp na magsisimula sa April 7 hanggang May 10.

Ang mga magtuturo bilang lecturers ay ang mga batang filmmakers ngayon tulad nina Ariel Reyes, Ivan Togonon, Blake Sarion, Trox Salazar at Joel Gana.

Si Blake ay lumaki sa US na may experience sa theater. Nakaganap na siya sa Comedy Central wherein he portrayed Kimlah in “Strangers With Candy”. Ang claim niya, ibinenta niya ang kanyang kotse at HD camera makapag-aral lamang ng filmmaking sa International Academy of Film and Television in Cebu. He’ll teach directing and acting sa workshop.

Si Ivan na pinakabata sa grupo ay produkto rin ng International Academy of Film and Television. He was hired as producer ng Big Foot. Tapos ng Philosophy si Ivan.

Nag-aral naman ng filmmaking sa Russia si Ariel. Naging scholar siya ng Cultural Center of the Philippines. Ang civil engineering student na ito ay nagpakadalubhasa sa filmmaking sa abroad. Nakagawa na rin siya ng ilang pelikua tulad ng “Seventeen” at “Kriminal sa Barrio Concepcion”. Nakagawa na rin siya ng international film, ang “Behind Enemy Lines”.

Isang chicken poultry owner naman si Trox sa Tacloban City nang maisip niyang mag-aral ng filmmaking. Tapos ng Political Science sa Southwestern University ang binata. Nag-aral din siya sa International Academy of Film and Television. Sa ngayon ay documentaries about Filipinos ang ginagawa ni Trox na ipinalalabas sa European countries.

Ang filmmaking workshop ay mula na rin sa initiative ng pamahalaan lokal ng Parañaque.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articlePaulo Avelino, aabangang next leading man ng Siyete!
Next articleHulicam: Mylene Dizon, binalikan ni Ira Cruz!

No posts to display