PINARANGALAN SI NORA Aunor recently as one of the top ten best actresses in Asia ng Green Planet Movie Awards. At isa sa very proud kaugnay nito ay ang number one fan ng Superstar na si Boy Abunda.
Die-hard na tagahanga siya ni Nora. Pero matalik silang magkaibigan naman ni Vilma Santos. Natanong tuloy namin si Kuya Boy, kung sakaling makatabi niya ang dalawa na nasa gitna siya, paano kaya siya tsitsika?
“Sobra ang paggalang ko kay Governor Vi. I have so much respect sa kanya talaga the way she managed her life, the way she moved from showbizness to politics, while retaining her being a great actress. You give it to Ate Vi.
“We have a different relationship. Nag-bless ako ng bahay ko, kami lang dalawa. Nag-bless ako ng bridge, kami lang ni Vi. It’s a very very special connection.
“Kay Nora Aunor, bulag ako. Gano’n lang kasimple. You can say anything like dapat kung marunong mag-alaga si Ate Guy, siya na ang pinakamayaman sa Pilipinas. Dapat si Ate Guy marunong mag-alaga ng kanyang sarili, siya ay may building na. Ang dami-daming dapat.
“Eh, hindi nga naging dapat. Pero nakabawas ba ‘yan sa kanyang kakayahan bilang isang artista? Hindi. You know what I’m saying? Hindi naman pare-pareho ang tinatahak nating daan doon sa lugar na gusto nating marating. At hindi naman tayo lahat may karapatan na sabihin kung ano ang dapat mangyari sa buhay ng may buhay.
“Kung ano ang naging buhay ni Nora Aunor, choice niya. Bakit ba? What she has become was her choice. What she has become… she suffers alone… I mean with friends. She is what she is. But does it make less of who she is? Does it diminish her talent, her greatness as an actress?
Nagpu-produce na rin siya ng digital movie. Possible ba for him to come up with a project for Nora kapag nakabalik na ito sa bansa?
“Hindi ko naman kaya. I mean, I cannot work for Ate Guy na matino. Sinubukan ko na at one point. I was with the team of Girlie Rodis who’s the management team of Ate Guy and I was with that team, hindi ko talaga kayang manilbihan at magserbisyo bilang isang manager sa isang…. siya lang naman talagang mag-isa, eh. Kasi kapag sinabi na niya, wala na… tunaw ka na. Ha-ha-ha!
“I have so much opinions about anything in this business. Pero kapag sinabihan na ako ni Guy na, ‘Kuya, ibahin natin ang awit…’ Oo naman agad ako! Ha-ha-ha! How can I be effective, ‘di ba? Wala. Kasi tagahanga ka, eh. Flop ako sa gano’n. Iba nga kasi ang bond namin.
“Diyos ko! Sino namang tao sa Pilipinas ang hindi ako maglalakas-loob na interbyuhin? Wala na akong kaba sa mga interviews, pero kapag si Guy…. hindi naman ako kinakabahan, pero ‘di ba, iba ang pakiramdam kasi nga fan ka?” Natatawang ending na pahayag ni Kuya Boy.
LAKING TUWA ni Rocco Nacino na sa kanilang tatlo nina Steven Silva at Enzo Pineda na nag-audition para sa additional character for Gumapang Ka Sa Lusak ay siya ang napili ni Direk Maryo J. delos Reyes to portray bilang magiging ka-love triangle nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Nakadalawang araw na raw siya ng taping for this.
“Medyo nahirapan ako kasi ‘yong mga naunang eksena eh, kailangan nagbi-breakdown ako so talagang mabigat,” aniya. “Medyo naninibago pa ako. And feeling ko, ang dami ko pa talagang dapat na matutunan like ‘yong sa blockings at kung anu-ano pa. Siguro in time makakasanayan ko na rin. Mga limang taping days pa,” natawang sabi pa ni Rocco.
Hindi pa raw niya alam kung magkakaroon sila ng intimate scenes ni Jennylyn, since sa story ng nabanggit na sinenovela ay magiging magkaagaw sila ni Dennis sa puso nito.
“If ever na meron? Hindi ko pa alam kung ano ang magiging feelings ko. Pero I’m happy na okey naman ‘yong start ng working relationship namin. Nasa getting to know each other stage kami.
“Minsan nai-starstruck ako sa kanya. Hindi naman sa talagang crush, pero I really admire her kasi after na manalo siya sa Starstruck, ang layo na ng narating niya. And hanga ako sa galing niya as an actress.”
Kasama rin si Rocco sa kalu-launch na Sunday musical variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas. Pangalawang show na niya bale ang Gumapang Ka Sa Lusak. With that, feeling ba niya ay may edge na siya sa mga ka-batch niya sa Starstruck 5?
“Hindi. Nagkataon lang na nauna akong mabigyan ng pangalawang show. I’m sure meron din naman para sa kanila. Nauna lang ako. And I don’t think magkakaroon ng issue gaya ng professional jealousy or what, kasi magkakaibigan naman kami. Happy ang lahat sa kung anumang nagiging achievement ng bawat isa sa amin.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan