DALAWANG LINGGO NA palang naka-confine si Cristine Reyes sa Cardinal Santos Medical Center. Sa kanyang Twitter account na @EVAFONDA2008 na may petsang na Aug. 20, hiling ni Cristine sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang dasal ng mga ito para sa mabilis niyang paggaling. Aniya, “Bothered. pls pray for my fast recovery.really hoping to get out of here asap. Two weeks inside is crazy :(”
Nag-post pa si Cristine ng photo sa kanyang Twitter account habang nakaratay siya sa kama sa loob ng isang kuwarto sa nasabing ospital.
Sa naunang ulat, hinihinala na Dengue ang sakit ni Cristine, dahil sa pabalik-balik na mataas na lagnat, pero base sa mga isinagawang test, lumalabas na negatibo ang sexy actress sa nasabing sakit.
Ayon naman sa source naming nurse sa nasabing ospital, dinapuan ng sakit na meningitis ang bida ng afternoon seryeng Reputasyon. Ang meningitis ay pamamaga o inflammation ng protective membrane na tumatakip sa utak at spinal cord. Karaniwang sanhi ng pamamaga ay impeksiyon dulot ng virus, bacteria o microorganism. Delikado rin ang sakit na meningitis dahil sa malapit lang ang nasabing pamamaga sa utak at spinal cord, at classified as a medical emergency ang nasabing sakit.
Ilan sa kadalasang sintomas ng meningitis ay ang pananakit ng ulo at pagkakaroon ng stiffneck, gayundin ang lagnat, pagkalito, pagsusuka, at pagkairita sa liwanag (photophobia) at malalakas na ingay (phonophobia).
Sinabi naman sa amin ng isa pang source na nakuha ni Cristine ang sakit sa hangin sa palengke (airborne) sa location kung saan nila kinukunan ang mga eksena sa kanyang teleserye.
At dahil nga sa may dalawang linggong pagkaka-confine ng aktres sa ospital, apektado rin ang production ng Reputasyon. Napag-a-laman namin na ni-revise na raw ang script ng serye para makapag-taping ang production kahit wala si Cristine.
Hangad naman namin ang tuluyan na ngang paggaling ni Cristine at mabilis niyang recovery. Kulang din naman kasi ang hapon namin kapag hindi napapanood ang sexy actress sa napaka-interesting na istorya ng Reputasyon.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores