IPINAHAYAG NA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang official entries ng MMFF New Wave 2014, ang indie category ng taunang MMFF tuwing Pasko.
Mapapanood ang MMFF New Wave films sa December 16-24 sa dalawang sinehan – SM Megamall at Glorietta 4 cinemas.
Lima lamang sa full feature category ang masusuwerteng nakapasok as official finalists — out of 18 submitted entries.
Sa limang taong existence ng MMFF New Wave, ito nga ang taong may pinakamaraming entries ang nagbakasaling suwerteng mapili sa Top 5.
Ang mga ito ay ang sumusunod, in alphabetical order, with its directors and main cast:
Gemini by Direk Ato Bautista, tampok ang kambal na sina Sheena Mcbride at Bridgette Mcbride, with Mon Confiado, Alvin Anson, Lance Raymundo, and Sarah Gaugler.
M. (Mother’s Maiden Name) by Direk Zig Dulay na pinagbibidahan ni Zsa Zsa Padilla, with Nico Antonio, Gloria Sevilla, Dennis Padilla, Micko Laurente.
Magkakabaung (The Coffin Maker) by Direk Jason Paul Laxamana, starring Allen Dizon, kasama sina Gladys Reyes, Emilio Garcia, at ang real-life 8-year old daughter ni Allen na si Felixia Christen Dizon.
Maratabat (Pride and Honor), directorial debut ni Arlyn Dela Cruz (na dating hard news journalist), starring Ping Medina, Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Chanel Latore, Kristoffer King.
Mulat (Awaken), first full feature film ni Direk Diane Ventura, na naka-base sa Amerika. Bida ng pelikula sina Jake Cuenca, Ryan Eigenmann, at ipinakikilala si Loren Burgos.
Sa susunod naming column ay ang official finalists naman ng student shorts, animation, and cinephone categories ang aming ibabalita.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro