Mula sa 40 Filipina beauties na lumahok sa 2016 Binibining Pilipinas, anim ang itinanghal na reyna last Sunday, April 17, sa Smart Araneta Coliseum. Itinanghal na Binibining Pilipinas Universe ang Angel Locsin look-alike na si Maxine Medina from Quezon City, habang si Kylie Versoza from Baguio City ang itinanghal na Bb. Pilipinas International. Bb. Pilipinas Supranational naman si Joanna Deapera Eden from Lucban, Quezon; Bb. Pilipinas Intercontinental si Jennifer Hammond mula sa Laguna; Bb. Pilipinas Grand International naman si Nicole Cordoves mula sa Manila; at Bb. Pilipinas Globe si Nichole Marie Manalo from Quezon City.
Habang tumanggap naman ng Special Awards ang mga sumusunod: Angela Fernando – Best in National Costume (Frederick Peralta – Designer); Kylie Verzosa – Miss Photogenic, Miss Manila Bulletin, and She’s So JAG Award; Jennifer Hammond – Best in Evening Gown; Joanna Eden – Best in Swimsuit; Vina Openiano – Best in Talent and Miss Friendship; Maxine Medina – Miss Philippine Airlines; at Nichole Manalo – Miss Cream Silk.
Nagsilbing hurado naman sina Miss USA Olivia Jordan Thomas, actor Ian Veneracion, ABS-CBN TV production head Lauren Dyogi, Chief Operating Officer of Broadcast Cory Vidanes, at iba pa. Naging hosts naman sina Xian Lim at KC Concepcion.
Diane Medina at Francis Magundayao, personal choice ng direktor sa bagong indie film
PERSONAL CHOICE daw ni Direk GM B. Aposaga sina Diane Medina at Francis Magundayao para makasama sa indie film na “Pagkatapos ng Umaga, The Story of Love”.
Tsika nga ni Direk GM nang makausap namin sa shooting ng nasabing pelikula sa Silang, Cavite, “Personal choice ko si Diane para sa role niya rito sa pelikulang ginagawa ko. Lagi ko kasi siyang napanonood sa kanyang morning show (Good Morning Boss ) sa NBN 4, at alam ko at kabisado ko ‘yung nagiging guest niya. Tsaka alam ko naman na mahusay siyang aktres at bagay sa kanya ‘yung role ng isang teacher.
“Si Francis naman, pinahanap ko talaga siya kasi kailangan ko ng isang teen actor na gaganap sa role ni Pedro. At alam ko na magaling umarte si Francis at bagay na bagay rin sa kanya ‘yung role, kaya siya ‘yung kinuha ko.”
Kasama rin sa said film sina Jef Gaitan, AJ Ocampo, Princess Flores, Jong Cuenco, Maria Isabel Lopez, Kyline Alcantara, Joshua Nubla, at Irma Adlawan.
Generation 6 at X3M, maghahatawan sa dance floor sa Star Mall Tour
NAKATAKDANG MAGPAKITA ng kani-kanilang dance moves para sa 2016 Hatawan sa Tag-araw ang dalawa sa pinakabago at hottest dance group sa bansa, ang Generation 6 na kinabibilangan nina Moja Frial, Mico Delos Reyes, Kevin Andrew, Mark Gonzales, Carl Justine Cahile, at JB Paguio; at ang X3M na kinabibilangan naman nina Juancho Ponce, Ericson Suratos, Zoren Jickain, at RG Aquino sa darating na April 23, 5 p.m. sa Star Mall Las Piñas at sa April 24, 3 p.m. sa Star Mall San Jose del Monte City, hosted by DZBB 594 “Walang Siyesta” anchor Johna Chu Chu.
Makasasama ng Generation 6 at X3M ang former GTB Boys at Upgrade member/ teen actor na si Ron Mclean Galang. Paniguradong kikiligin ang mga kababaihan sa inihandang production numbers ng Gen 6 at X3M, habang haharanahin naman ang mga ito ni Ron Mclean.
Ang Star Mall shows ng Gen 6, X3M at ni Ron ay hatid ng Star Mall, Olive C, New Placenta, Aura Soap, at YSA Skin and Body Experts .
John’s Point
by John Fontanilla