Ang dami palang Star Magic stars ang may pelikula sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Siyempre, very prominent ang presence ng trio nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Ronnie Alonte sa pelikula ng Star Cinema na “Vince & Kath & James” na lumalaban sa Top 3 sa box-office habang isinusulat namin ito. Applauded si Joshua sa kanyang karakter as Vince sa pelikulang dinirek ni Teodoro Boborol.
Si Ronnie, kasama si Dominic Roque, ay kabilang din sa pelikula ni Erik Matti na “Seklusyon” and not to forget si Rhed Bustamante who played the little girl as “The Devil” sa pelikulang may pitik sa relihiyong Katoliko. Ronnie was awarded Male Celebrity of the Night last night sa MMFF 2016 Awards Night sa KIA Theater.
Si Jericho Rosales na last year ay hinirang na MMFF Best Actor ay ka-partner naman ni Eugene Domingo sa “Ang Babae sa Septic Tank 2”. Kabilang din sa pelikula sina Hanna Ledesma (Star Magic Angels) at Khalil Ramos both talent ng Star Magic.
Sina Jason Abalos at JC de Vera ay mga aktor sa pelikulang “Kabisera” kung saan bida si Nora Aunor. Si Joem Bascon, plays one of the minero sa pelikulang “Oro” na pinagbibidahan ni Irma Alawan who plays a barangay captain sa isang maliit na barangay ng Gata sa Caramoan, Camarines Sur na may isyung environmental na may apat na minasaker.
Lahat sila ay mga artista ng Star Magic na aabangan pa rin natin sa mga pelikula ng Star Cinema at television shows sa Kapamilya Network, aside from their personal appearances sa mga show sa malls at private events. Mabuhay!
Reyted K
By RK VillaCorta