KAYO BA ay naghahanap ng Valentine Trip kasama ang kasintahan, pamilya, o barkada? Aba, aba, aba! Kayo ay matutuwa sa aking ibabalita. Ang ika-20 na Philippine – International Hot Air Balloon Fiesta ay kasado na ngayong taon! Ito ay gaganapin muli sa Clark Field, Pampanga sa darating na February 11 hanggang February 14. Ito na nga ay isa sa mga masasayang paraan sa pag-celebrate ng Valentine’s Day kasama ang mga mahal sa buhay gaya ng pamilya, kasintahan, at kabarkada. Ang nakatutuwa pa rito, ang Hot Air Balloon Fiesta ay hindi gaya ng ating mga nakagawian tulad ng panonood ng sine, pagkain sa labas, o pagpunta sa theme park. Kaya naman huwag palagpasin ang magandang pagkakataon na ito.
Anu-ano nga ba ang ating aasahan na ma-enjoy at makita sa Hot Air Balloon Fiesta? Siyempre, hindi p’wedeng mawala riyan ang mga makukulay na hot air balloons. Makikipagsabayan ang mga hot air balloons ng Pilipinas sa mga hot air balloons na mula pa sa iba mga bansa. World class, ‘di ba?! Ang mithiiin ng nasabing event ay pag-promote ng air safety, professionalism ng bansa pagdating sa aviation industry. At siyempre, maipa-appreciate sa mga manonood ang ganda ng sining pagdating sa pagpapalipad.
Isama mo na rin sa taunang Hot Air Balloon Fiesta ang mga kaganapan ng aviation disciplines gaya ng aerobatics, skydiving, paragliding, remote control aircraft, at kite flying. Nasasabik na ba kayong dumalo? Kulang pa ‘yan! Dahil pati kayo ay makararanas na makasakay sa hot air balloon, sky dive, at magpalipad ng aviation craft sa darating na February 11. Narito ang mga ticket details.
Para sa mga dadalo upang masulyapan at maranasan ang Hot Air Balloon Fiesta fever, p’wede na ang General Admission ticket sa inyo. Ito ay nagkakahalaga ng 350 pesos. Mayroon din naman tayong VIP passes na nagkakahalaga ng 6,000 pesos.
Kung ikaw ay VIP, ito ang iyong mga perks: priority entrance, complimentary use of Balloon Launch Patio, Air-conditioned Lounge, breakfast buffet, lunch buffet, afternoon high tea, at complimentary snacks and beverages. O, ‘di ba, hindi lang mata ang busog na busog pati ang mga tiyan?!
Kung gusto mo namang ma-enjoy ang hot air balloon rides, ito ay may halagang US$350, ang tandem sky diving naman ay US$400, ang airplane discovery flights naman ay may presyong US$120 habang ang tandem paragliding naman ay nagkakahalaga ng US$150. May kamahalan kung iisipin, pero sulit din naman kasi ang presyo.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo