AMINADO SI EDU Manzano, running mate ni Lakas-Kampi-CMD presidential bet Gilbert “Gibo” Teodoro na ang huli ang nagdadala ng tao sa kanilang pangangampanya.
“Before I would help bring in the audience, now, he brings in the audience for me. He’s the star, that’s why I’m walking in his shadows,” sabi ni Manzano.
Para patunayan na crowd-drawers ang Gibo-Edu team, plano ng dalawa na mas madalas silang makitang magkasama sa pangangampanya habang papalapit nang papalapit ang araw ng halalan. Hangga’t maaari, pipilitin umano nina Teodoro at Manzano na maayos ang kani-kaniyang isekdyul.
“As much as possible we jive our schedules, unless there are two simultaneous events that we both need to attend, then we split it,” pahayag ni Teodoro sa isang interbyu habang nangangampanya sa Cadiz City noong nakaraang Biyernes, Abril 9.
Sinabi pa ni Manzano na halos hindi siya makapaniwala sa nakikita niya nitong mga nakaraang dalawangt linggo.
“We’ve been very successful in bringing the campaign down to the people themselves addressing their local issues,” aniya.
Idinagdag pa ni Manzano na ang mga taong pumupunta sa kanilang campaign rallies ay hindi ang mga tinatawag na “hakot”. Sa halip, sariling kusa ang pagpunta ng mga sumusuporta sa kanila ni Teodoro.
Samantala, nagbigay naman ng reaksiyon si Teodoro kaugnay ng pahayag ni Benigno “Noynoy” Aquino III na ang labanan lang sa pagkapangulo ay sa pagitan nila ni Manuel Villar, tulad ng lumalabas sa mga survey.
Ayon kay Teodoro, hindi ang survey ang magpapanalo sa isang kandidato. “I’m sorry, maybe that’s Senator Aquino’s opinion. But me, I will win this election because of the local support, the support of the people.”
“Sad to say, it’s not surveys that will make you win, but the support of the people and the support of the local leaders,” dagdag pa ni Teodoro na malakas pa rin mahigit 70 porsiyentong suporta na nakukuha mula sa gobernador at mayor sa buong bansa.
Pinoy Parazzi News Service