WHOA! KAMAKAILAN tinanghal sa Dolphy Theater ang ika 20th anniversary ng Star Cinema, kasabay nito ang press-con ng 24/7 IN LOVE na dinaluhan ng mga artistang kasama sa pelikulang ito na showing na sa mga sinehan. Binigyan ng pansin ng press people ang pagdalo ni Angelica Panganiban na kamakailan lang ay umamin sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz. Si Angelica ay ang tunay na in love 24/7 dahil mabilis niyang sinagot ng “Agad! Agad!” habang hawak ang tiyan kasunod ang pagsabi ng ‘Wala namang nabuo…’ habang humahalakhak, nang tanungin siya na kung doon ba nabuo ang lahat tungkol sa kanila ni John Lloyd.
Ayon sa mga director ng pelikula na sina Direk Frasco Mortiz at Direk Mae Czarina Cruz, pitong kuwento ng pag-ibig ang kanilang pinag-ugnay sa 24/7 na na-ging mas maganda pa dahil sa kanilang creative team. Kasama sa mga nag-direk din ay sina Direk John D. Lazatin at Dado Lumibao. Malaki ang kanilang paniniwala na magiging maganda, matagumpay ang pelikula sa box-office dahil may kanya-kanyang kuwento ang bawat karakter.
Si Zanjoe Marudo bilang bading sa kanilang pagtatambal ng real-life girlfriend nasi Bea Alonzo, biro niya, “Mabuti na lang sa set maraming bakla, kaya naging natural ang kilos (acting) ko.
Sentro rin ng pansin ang muling pagtatambal ng Kimerald loveteam na sina Kim Chiu at Gerald Anderson after two years. Ayon kay Gerald, “Refreshing kapag bumabalik ka kung saan ka nagsimula. Kami ni Kim, we are comfortable naman with each other.”
Si Pokwang, ‘ika nga ni Sam Milby ay juicy na forty year old virgin, sabay tawa. Tampok din sa pitong kwento ang tambalang Diether Ocampo at Majah Salvador samantalang love adviser naman ang istorya nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat at si Piolo Pascual. Sa kabuuan si Kathryn Bernardo, gumanap bilang Jane na isang tagahanga ni Daniel Padilla (as Billy Hernandez) na isang sikat na rock star.
BARON GEISLER REHABILATASYON SA SARILI ANG KAILANGAN
MULING UMUGONG ang balita tungkol sa actor na si Baron Geisler. Ayon sa mga mga pahayagan at telebisyon, lasing ang nasabing actor nang makipagsuntukan ito sa kanyang kapit-bahay na sanhi ng kanyang pagkakulong noong Nobyembre 9, Biyernes. Umaga umanong Sabado ay tuluyan nang nakalaya ang aktor.
Nagreklamo ang ginang ni Raymund dela Rosa sa Quezon City Police Station 5 at dahil dito siya ay inakusahan ng physical injuries, malicious mischief and child abuse. Ayon pa sa ginang ay traumatized ang anak nilang 3-taon bata sa pangyayari. Hinampas diumano ng actor ang screen ng kanilang sari-sari store na sanhi ng pagkakalaglag ng mga tinda nito. Nagsusumigaw na natakot ang anak ni Dela Rosa kaya nagpang-abot diumano ang dalawa.
Kasunod nito ay inamin ng actor na siya ay isang bipolar, pagkatapos ng mga pangyayari. Bipolarism causes severe depression and mood swings on the person suffering from it, ayon sa medical experts.
Sayang naman kung si Baron mismo ay hindi na mag-isip nang tamang paraan tungkol sa kanyang tuluyang pagaling. Ang sakit ay lumalala kung tayo mismong biktima nito ay hindi magsusumikap upang masolusyunan ito.
Magaling na actor si Baron. Nang makausap ko siya dati andu’n naman ang kanyang respeto sa akin. Ang naging aksyon niya kamakailan ay mu-ling nagnabahid ng marka sa kanyang pagkatao na siya namang sinusundan ng mga nakakakita.
Isang mensahe ito sa iba pang artista na huwag nilang kalilimutan na iniidolo sila ng kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanilang pagganap ng iba’t ibang karakter sa telebisyon man o pelikula. Dapat maging maingat sila sa kanilang mga career.
Malaki ang tiwala ko kay Baron na isang araw ay tuluyan niyang pakakawalan ang mga galit at bangungot na yumayapos sa kanyang pagkatao. Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions: e-mail [email protected]; cp.09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].
ni Maestro Orobia.