GINUNITA ANG IKALAWANG anibersaryo ng kamatayan ng tinaguriang the master rapper ng bansa na si Francis ‘Kiko’ Magalona noong March 6 sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Naghandog ng misa para sa yumaong si Francis M. na matatandaang pumanaw sa sakit na acute myelogenous leukemia noong 2009 sa edad na 44.
Kumpleto ang buong pamilya ni Kiko sa pangunguna nina Pia, Maxene, Saab, Elmo at iba pa. Ini-launch din ang offi cial 2nd death anniversary shirt ng King of Rap na tinaguriang ‘Bow Down (to the King)’ kung saan nakatungo ang image ni Kiko sa illustration na gawa ni Leinil Yu, isang Pinoy comics illustrator na naging artist para sa X-Men,Wolverine, Fantastic Four, Superman, atbp. Mabibili ang ‘Bow Down’ shirts sa lahat ng branches ng FMCC, na ang isa sa resident artists ay ang junior ni Francis na si Frank na Fine Arts student sa UP.
Naghandog naman ng isang espesyal na awitin ang bestfriend ni Kiko na si Michael V, ang touching Stevie Wonder song na I Never Dreamed You’d Leave in Summer. Kung nasaan man ngayon si Kiko ay tiyak na masaya ito at proud sa magandang nangyari sa mga anak niya na pulos may magagandang showbiz career na ngayon, duhba mga kaparazzi? Samantala, sa iba pang anak ni Kiko, si Frank daw
ang walang kahilig-hilig sa showbiz pero sina Arkin at Clara ay mukhang showbiz din ang babagsakan?
May gan’on talaga, huh? He-he!
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service