At least hangga’t mas maaga, makapaghanda na ang mga interesado. Kaya nga after ng successful ToFARM Film Festival last July 2016, heto’t nagsisimula nang mangalampag ang pamunuan ng naturang film festival sa pangunguna ni Direk Maryo J. delos Reyes at Dr. Milagros How na Executive Vice President ng Universal Harvester, Inc, na siyang may hawak ng kaban ng naturang pakontes. Open na nationwide ang 2nd ToFARM Film Festival para sa 2017 competion na kanilang gagawin.
Sa isang pagtitipon kamakailan, sinabi ni Direk Maryo ang mga detalye ng patimpalak. Open na for submission ng scripts at kuwento para isapelikula para sa naturang film event.
With the success of the 1st ToFARM Film Festival nitong nakaraang July na nagbuo ng mga magagandang pelikula tungkol sa industriya ng pagsasaka o agrikultura at sa mga taong nagtataguyod nito na may magandang simulain para sa ikauunlad ng mga magsasaka at ng naturang industriya, ang anim na kuwento o script na mapipili ng screening committee para isapelikula ay magkakamit ng P1.5 M grant.
“‘Yan ang itutulong naming pera para mabuo ang project nila. The rest of the expenses na sobra sa seed money na ibibigay namin sa mapipili, sila na’ng bahalang maghanap or magdagdag,”sabi pa ng Film Festival Director na si Direk Maryo.
Sa nakaraang ToFARM Film Festival, nagbuo ito ng anim na mga magagandang obra tulad ng “Free Range”, “Pauwi Na”, “Paglipay, Pitong Kabang Palay”, “Kakampi” at “Pilapil”. Naging inspirasyon ito sa mga bumubuo ng ToFARM para lalong pag-igihin ang pangalawang film festival nila.
Sa temang “Planting Seeds of Change” ng filmfest, masaya si Dr. How na sa magandang feedback sa kanilang project.
Deadline of entries will be on November 18, 2016 at ang announcement ng anim na official entry ay sa January 20, 2017; at sa June 2 naman ang final submission ng completed film at ang grand opening ceremony ay magsisimula sa July 12.
For more details, email the screening committee at: [email protected]
Reyted K
By RK VillaCorta