BATA PA LANG kami ay usap-usapan na ang ‘Taong Ahas‘ incident na kinasangkutan ng noo’y dalaga pa lang na aktres na si Alice Dixson. Sa katunayan, ito na nga ang ginagamit na panakot sa mga bata na gustong magyaya sa mall o ‘yung mga gustong magpagala-gala.
Sa dami ng artista noon, bakit si Alice Dixson? At bakit nga ba nito pansamantalang iniwan ang showbiz at lumipad papunta ng Canada? Totoo bang natuklaw siya ng ‘kambal’ ng anak ng may-ari ng sikat na mall? Binayaran ba siya? Tinakot-takot ba siya?
Epic ang urban legend or myth na umabot pa sa puntong isang Shake, Rattle and Roll episode ang nainspire sa kuwentong ito na pinagbidahan pa ni Erich Gonzales.
May tsika pa nga na namatay diumano ang ‘taong ahas’. Some years ago ay naging endorser pa ng nasabing mall ang aktres!
After 30 long years or three decades ay binasag na rin ni Alice ang kanyang pananahimik. Sa wakas ay ibinunyag na ni Alice ang buong katotohanan sa
pamamagitan ng kanyang growing YouTube channel.
“I remember it actually being night, and production told me I needed to change my outfit or go into my costume. They directed me to the bathroom sa labas ng department store on the fourth floor para magpalit ng damit.
“Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas and for some reason, while I was inside the bathroom, I said, ‘Tuklaw! Tuklaw!’
“Now, I don’t really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly.
“And also because iyong time na iyon, iyong kasamahan ko sa pelikulang Dyesebel [1990] na si Richard Gomez, he had a movie that came out called Tuklaw, at uso iyon noon.”
Patuloy pa nito, “A few days later, lumabas iyong balita or gossip na kinakagat ako o kinain ako ng malaking sawa sa loob ng mall.
“Lumabas pa ito sa headline ng tabloids and news.”
Umabot pa sa punto na may representative mula sa nasabing mall ang tumawag sa kanya (hindi pa uso ang cellphone at internet noon) at hindi niya ito pinansin. Buong akala niya ay mamamatay ng kusa ang ngayo’y tinatawag na ‘urban legend’.
Suspetsa ni Alice ay may kinalaman ang study na ginagawa ng isang grupo ng Mass Communication students noong panahon na iyon.
“Meron kasing Mass Communication curriculum ang isang school, that it had a particular project to disseminate information, to see how far, how convoluted, and how long information could spread.
“And I believe they used this story. I know because Mass Communication graduate din ako, and we studied these kinds of case studies.”
Inamin din niya na ang kanyang pananahimik ay naging major factor kung bakit nagpatuloy ang pagkalat ng Taong Ahas urban myth na ito.
“Even before, kahit ngayon, kapag meron hindi totoong rumor, if there’s something false that’s circulating, naniniwala ako na hindi ko dapat patulan.
“I don’t have to be defensive about it, kaya that’s one of my reasons why hindi ako nagkomento noon. I didn’t really feel the need to talk about it or defend myself. In fact, nakalimutan ko until recently.”
Panoorin ang buong explanation ni Alice sa kanyang YouTube video at kayo na ang humusga. Ang bongga lang na talagang nag-interbyu pa ito ng mga empleyadong naka-duty sa mga stores nang nasabing mall!