NAPRE-EMPT YATA O napaaga ang pagbubuking ng mga plano ng kaibigang Boy Abunda na kakandidato siya bilang senador sa darating na 2016. That’s a cool 6 years and 7 months from now at hindi na masyadong magtatagal.
Sa SNN ito naganap noong Miyerkules na agad dinedma ng mabait na host para hindi pik-apin at pagpistahan ng media.
But this is good news as far as this columnist is concerned. Sa dinami-rami ng mga itinutulak sa Senado para makatulong sa naghihingalo nating bansa (at showbiz), isa si Boy sa may kakayahang maghasik ng kabutihan sa ating lupang hinirang. Walang masamang boto sa katawan ni Boy, handa siyang making sa problema ng kahit sinong lumapit sa kanya, kahit bising-bisi siya. Walang kaaway si Boy maliban kay John Lapuz na humingi na rin ng tawad sa kanya at pinagsisisihan na ang kasalanang niyang nagawa.
Kahit sino, walang nag-akala na papasukin ni Boy ang pulitika. Na sapat na ang mahabang panahon niya bilang host ng sangkatutak na shows para makilatis siya ng buong Pilipinas. Between now and 2016, mas matatag na si Boy para itaas ang lebel ng kanyang pagtulong sa kapwa.
Ang pagtatapos ni Boy ng kolehiyo nitong April, ng kursong may kinalaman sa pulitika, ay isa pang give-away na matindi ang impluwensiya sa kanya ng taong tumutulak na isama siya sa sariling ambisyon nito. Kaya nga, he was addressed as “Senator” habang patapos ang talk show.
Paano sasagutin ni Boy ang maraming katanungan? Iyan ang dapat nating abangan.
NAPAG-USAPAN SA PRESSCON ng BFF (Bestfriends Forever) ang imposibleng pagtulak ni Sen. Ralph Recto sa asawang si Ate Vi (Vilma Santos) para kumandidato bilang Vice President ni Noli de Castro sa darating na eleksiyon, 2010.
Maiipit kung ganu’n ang Megastar Sharon Cuneta kapag nagkataon. Nauna nang naibalita na malaki ang tiyansa ni Sen. Kiko Pangilinan para manalo. Sa mga isyung bigla-bigla na lang nagaganap, laging pangalan ni Sen. Kiko ang lumalabas na pag-asang maitutuwid ang mga mali sa ating bayan.
Magpipingkian ba ng lakas sina Mega at Ate Vi, kung saka-sakali?
“Favorite actress ko si Ate Vi. Maiipit ako sa gitna, dahil gusto ko rin siyang tulungan. Pero, ‘pag nagkatotoo ito, alam naman siguro ng lahat ng Pilipino kung saaan ako papanig. Mas pangit siguro, kung hindi ko susuportahan ang asawa ko.”
Kasalukuyan nasa New York pa si Ate Vi. Nagsu-shooting ng pelikula kasama ang kanyang anak (Luis Manzano) at John Lloyd Cruz.
Panahon na siguro para diretsuhin na niya ang balitang iyan. Hindi na siya puwedeng magpaliguy-ligoy pa. Kukulangin siya ng panahon para mapaghahandaan ang hamon ng pulitika.
Masakit isipin na dahil sa pulitika, masisira na ang isang pagkakaibigan.
At lumalakas na rin ang bulung-bulungan na kaya ginawa ni Ate Vi ang pelikula ay dahil magandang behikulo para maalaala ng mga tao. Na kahit governor siya ng Batangas ngayon, eh, susubok pa rin sa mas mataas na posisyong makatutulong sa magiging Presidente niya.
Kaya lang, bilog ang bola. Hinding-hindi maiiwasang magsalpukan ang fans nina Ate Vi at Mega. Sino ang mas nakalalamang? Ang dehado?
BULL Chit!
by Chit Ramos