NATUNGHAYAN KO ANG nakaraang 36th Metro Manila Film Festival Awards Night. Siyempre, makutitap ang gabi dahil sa mga dumalong artista at nagkikislapang kamera sa harap nila. Habang pumaparada sa red carpet, ngumingiti at nagpo-pose ang mga kasali sa MMFF na para bang mga sasakyan sa tollway na humihinto upang kunan sa kaliwa’t kanang interview ng mga kapatid natin sa media.
Nandu’n din at pumarada ang mga nakabihis na mga ‘ewan’. Kasi, nang tanungin ng ating kapwa press kung sino ‘yung dumaan na ‘ewan’, nagpapasahan ng tanong kung sino ‘yun. Eh, lalo naman akong magsasabing ‘ewan’ kasi ‘di ko rin ‘yun mga kilala at lalong hindi rin nila ako kilala, ha-ha-ha!
Anyways maaaring mga kakilala ng mga kilala ang ilang napasama sa parade ng red carpet. Nakita ko rin si Sen. Bong Revilla, naka-coat-and-tie kasama ang walang kupas sa beauty ng kabiyak na si Lani Mercado na nakasuot ng kulay blue. Hindi rin naman nawala si Vic Sotto.
Samantala, Best Actor naman si Comedy King Pidol sa entry niyang Father Jejemon. Sa akin, ang pelikulang Rosario, kung talagang rerebyuhin, panalo ito or hahakot ito ng mga awards sa paraang matindi ito at very classic ang dating. Marahil ‘pag ito ay naipalabas sa ibang bansa, hahakot ito ng parangal! Kaya lamang, dapat nating igalang ang desisyon ng MMFF awards jury.
Nataon na kailangang tumawa ng tao. Kailangan ang ‘sense of humor’ at maglibang lalo na’t Pasko siyempre. Dito tiniyak ang paghakot ng Awards nang produkto ng Star Cinema na pinangungunahan ni Ai-Ai delas Alas. Sa pagkakaupo ko’t panonood, ‘di nga ako nagkamali’t ang Ang Tanging Ina Mo, Last na To’ pa rin ang namuro sa Awards Night.
Sa bagay, nakakatawa naman talaga si Ai-ai sa kanyang delivery or pagbabato ng salita. Halos pinasalamatan niya ang santo’t mga kaparian at ang ‘di lang niya natawagan ay si Father Jejemon. He-heh!
Pero, hindi rin naman matatawaran ang pagpapatawa ni Dolphy pati na rin ang kahusayan ng Queen of Horror movies na si Kris Aquino. Isa pang produkto ng Star Cinema ang RPG: Metanoia, the first Filipino-made 3D and CG-animated feature length film. Ito ang tanging pinanood ng aking anak na si Aiya. Siya mismo ay nagulat at sinabing ‘Papa, maganda ang pagkagawa at p’wedeng ipanlaban sa ibang bansa’.
Nagkaroon naman ako ng short interview kay John ‘Sweet’ Lapus para sa film na Super Inday and the Golden Bibe. Tinanong ko siya kung naisasanla ba ang itlog n’ya du’n sa pelikula, ang sagot nya, “’Yung sa pelikula, opo. Pero iyong sa tunay na buhay hindi. P’wedeng hawakan, pwedeng isubo, hindi lang talaga puwedeng isanla, in fairness.” Tumawa naman si Sweet ng nakilalang ako ang nagtatanong.
Tagahanga rin ako ng walang humpay na kaningningan ni Sweet sa pelikula at telebisyon. Naalala ko pa nang sumabay itong kumanta ng Lupang Hinirang sa preview ng isang indie film. Mabuti’t wala roon ang National Historical Commission ng panahong ‘yun dahil kung nakataon dale ito. Nakakatawa talaga siya, at wala siyang maling nota at tama ang pagkabigkas. Kanya lang, kung gaano siya kakomedi sa telebisyon, ganun din ang kanyang pagkanta. Just imagine that because of that, siya na ‘yun at importanteng hindi siya nawawala sa limelight.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments, suggestions, sponsors: call tel. no. (02) 3829838; e-mail: [email protected], [email protected], visit www.pinoyparazzi.net
By Maestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia