SA WAKAS, wagi si Iza Calzado sa pelikulang Bliss sa ginanap na 34th PMPC Star Awards for Movies Awards na ginanap sa Resorts World Manila last night, February 18.
Sa kanyang acceptance speech, ”Sixteen years ako naghintay para sa isang tropeo para sa pelikula. Mula sa Milan, nag-attend ako, umasa.
“Ako po ay nanalo sa ibang bansa para sa pelikulang Bliss pero iba po ang manalo sa sarili mong bayan at pahalagahan ka ng kapwa mo Pilipino. I hope I can continue to use this talent and platform to bring light to the world.
Dagdag pa niya sa garalgal niyang boses:”I would like to share this award to all the other nominees for Movie Actress of the year.”
Si RS Francisco naman for the film Boy Instik na dinirek ni Joel Lamangan ang naguwi ng tropeo as Best Actor na tinalo sina Dingdong Dantes, Joshua Garcia Jojit Lorenzo, Aga Muhlach ,Robin Padilla ,Piolo Pascual, Derek Ramsay Jericho Rosales at Vic Sotto.
Si McCoy de leon, wagi as New Movie Actor of the Year sa performance niya sa pelikulang Instalado na nag-tie (na naman) with Mateo San Juan na member ng #Hashtags sa pelikulang Magkadugo.
Sa New Movie Actress ay nag-tie (na naman) sina Joanna Ampil for Ang Larawan at Pia Wurtzbach for the MMFF 2017 entry na The Revenger Squad.
Narito ang mga nanalo last night sa 34th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies 2018 at mga special awards: Nora Aunor Ulirang Artista Awardee ay si Gina Alajar, Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera si Tikoy Aguiluz.
Nagwagi din as Movie Supporting Actor of the Year si Arnold Reyes at Movie Supporting Actress of the Year si Odette Khan. Movie Love Team of the Year naman ang JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto).
Movie Director of the Year Dan Villegas. Movie Director of the Year Sigrid Andrea Bernardo.
Indie Movie of the Year Changing Partners. Movie of the Year Kita Kita at
Darling of the Press si Harlene Bautista at marami pang iba ang mga nanalo last night mula sa hanay ng mga indie films.
Reyted K
By RK Villacorta