GMA NETWORK TAKES a bold step towards revolutionizing the landscape of local TV programming this year. I Heart You Pare is the first primetime team-up nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes sa direksiyon ni Andoy Ranay. Paano nakapag-adjust ang Asia’s Songbird sa role as drag queen?
“Akala ko nga it will be easy for me, but hindi eh. Siyempre, hindi naman ako totoong bakla, ‘di ba? So, akala ko kasi babaeng bakla na ako. Medyo delikado ‘yung life ni Tonya, so I have to pretend talaga na all the way bakla na ako so, dapat walang makikitang bahid ng pagkababae. Talagang all the time ganoon ako kaya lang kung minsan siyempre, I have to rest to get married, tapos Christmas, nakalimutan ko…Noong bumalik kami sa work, they have to remind me na bakla po kayo. Nawala ko na ‘yung twang, ‘yung mga kulot sa dulo.”
Pinakamahirap na part sa role na ginampanan ni Regine dito sa romance-comedy ng GMA-7? “May itinuro sila sa akin ni Direk Andoy na lakad na masakit sa balakang. It took me awhile to get it, it’s hard because kunwari, magpi-pretend na bakla lang ako, pero si Regine naman ako, madali lang ‘yun. But here, I have first pretend or I have to create the character of the girl, the character of Tonya before I could pretend to be somebody else. Siyempre, ‘yug character ni Tonya kailangang lumalabas ‘yun once in awhile du’n sa character so, medyo mahirap. Ang tinanong ko talaga rito si Direk Andoy bilang siya talaga, bakla ba siya?”
From now on gagamitin na kaya ni Regine ang surname ni Ogie Alcasid? “Oo, Ogie Alcasid na kasi ako. I wanna use it pero hindi ko naman ida-drop ang Velasquez. Medyo mahaba nga lang pero okey naman, proud ako. Ang sarap dalhin ‘yung pangalan ng asawa ko.”
Kapansin-pansin din ang pagi-ging young ang fresh ni Regine after the wedding. “Siyempre kasi wala na akong stressed and I can concentrate on what I am doing now. Medyo nasa-sad ako kasi parang I don’t get to see him as much as I want to. I’m so happy pero when I’m back to work, nalulungkot ako. Four times a week kasi ang taping namin so, marami ‘yun, ‘di ba?”
This year, plano na nina Regine at Ogie na magka-baby na. “We’re planning, after this we both rest, makapag-honeymoon. Italy sana pero may iba na naman siyang gusto. Medyo sa aming dalawa siya ‘yung girl. Ha! Ha! Ha! Hindi siya ‘yung hindi makapag-decide kung saan niya gustong pumunta. Sabi ko sa kanya, bahala ka na, ganu’n kasi ‘yun eh. It’s okey kung ma-postpone muna ang honeymoon.”
Paano kung mabuntis ka agad habang ginagawa mo itong soap ninyo ni Dingdong? “Hanggang dito na lang ang shot sa mukha. Hindi siguro, we’ll see, wala pa naman. We try to be careful kasi we don’t want to be pregnant and then you know, hindi pa puwede.”
Request ba ng GMA-7 na hindi ka muna puwedeng magbuntis habang may ginagawa kang show? “Sila naman okey lang naman if I get pregnant. Me personally, it would be stressful and I’m not that young so I don’t want. Sila kaya nila, nagagawan naman ng paraan. Mayroon nga d’yan na kamukha ko puwede ko na nga double ‘yun, ‘di ba? Walang masyadong pressure sa network at sa work. Personal na lang, gusto kong maging disiplinado dahil ‘pag dumating ‘yung time na ‘yun na mabuntis ako, I’ll be the one to have a hard time. I don’t wanna fail the show. I don’t want to fail may friends specially si Dingdong. This is our first team-up so, you know. We really want it to make it really big and the working relationship to work.”
Inamin ni Regine maraming pagbabago sa buhay niya ngayon. Priority na niya ang sarili niyang pamilya. “Siyempre ganoon talaga, sa ngayon nga hindi siya ‘yun nagiging priority ko may trabaho ako. Buti na lang very understanding ‘yung asawa ko.”
Hindi na raw kayo naglala- loving-loving ni Ogie, every other day na lang daw, how true? “Kasi nga we’re trying to be careful. Kung sabagay, kung talagang mangyayari, ano magagawa natin. So, kung mangyari I should be more extra careful. Sana hindi muna pero hindi mo naman puwedeng i-hold ‘yun na puwedeng huwag muna? Basta sa ngayon, I’m trying to take it easy. I really work hard for the show, abangan ninyong lahat at sana mapanood ninyo. It’s really really fun show to watch!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield