MAY NAGRE-REACT PALA sa kantang ginawa ng Concert King na si Martin Nievera na regalo niya sa bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ang “Unchanging Love” na ginamit na theme song sa wedding special na ipinalabas sa ABS-CBN last Sunday. In fairness, maganda ang kanta at pagkakahagod ng boses ni Martin for the song, huh!
According du’n sa mga nagre-react, bakit daw sinasabi ni Martin na siya ang gumawa ng kanta gayong hindi naman daw talaga ang Concert King ang original na lumikha ng song.
Nilinaw ni Martin na it was a Japanese song at ang boss niya from PolyEast Records ang nagpagawa nu’ng song in English. Hindi rin daw translation nu’ng Japanese song ang ginawa niyang bagong lyrics nito in English. It’s Martin’s own concept and words na sumakto naman para kina Juday at Ryan.
But initially, he was asked by PolyEast na bigyan ng English version ‘yung song para sa bagong album ni Zsa Zsa Padilla sa kanila. Zsa Zsa is a new artist now of PolyEast Records. Kinanta na raw ni ZsaZsa ‘yung song nu’ng mag-guest siya sa Wowowee.
Bukod kay Martin na nagregalo ng kanta para kina Judai at Ryan, may mga kaibigan din ang dalawa na nag-compose ng song para iregalo sa kanila gaya ni Direk Joey Reyes. Pinalapatan niya ng musika sa kaibigan nilang composer na si Ryan Cayabyab at ipakakanta nila sa Acoustic King na si Paolo Santos.
Tamang-tama naman dahil nagbabalik ulit sa recording scene si Paolo. Kalalabas lang ng kanyang bagong album na “Back To Basic” mula sa Ivory Records na may carrier single na “Photograph.” Sa totoo lang, maganda ang mga songs sa album and it cerifies talaga that Paolo is indeed the Acoustic King.
Kasama sa album niya ang acoustic version ng “Don’t Say Goodbye” ni Pops Fernandez, “Million Miles Away” ni Joey Albert, “Everyday” ni Agot Isidro, “Gaya ng Dati” ni Gary V at marami pang iba. Plus, ang 2009 version niya ng pinasikat niyang kanta na “Moonlight Over Paris.”
ISA NA NAMANG award-winning combination ang mapapanood sa longest drama anthology show on television na Maalaala Mo Kaya hosted by Ms. Charo Santos-Concio ngayong Sabado, 8 pm sa ABS-CBN. Magtatagisan ng husay sa pag-arte ang dalawang aktres – sina Maja Salvador at ang isa sa mga hinahangaan ng marami na si Cherrie Gil.
First time makakatrabaho ni Maja at magpapamalas sa pag-arte with Cherrie. Kaya naman excited and it’s a big honor for her na makasama si Ms. Cherrie. Kuwento ng paghihirap, pagsisikap at pagtatagumpay ang mapapanood sa episode na ito MMK. Very inspiring ang kuwento, na sa kabila ng isang matinding kapansanan ay aabutin niya pangarap. Si Maja ang gaganap nu’ng character na may kapansanan at ina naman niya si Cherrie sa direksyon ni Jeffrey Jeturian with Janus del Prado, Sharlene San Pedro at Sid Lucero.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio