MAG-IISANG LINGGO NA rin naglalabasan sa mga babasahin ang balitang babalik daw diumano ang Banana Split star na si Cristine Reyes sa Kapuso network. Matatandaang sa nasabing network nag-umpisa bilang artista ang aktres ng sumali ito sa reality-based artista search na Starstruck. Hindi man siya ang itinanghal na kampeon ay hindi naman ito nawalan ng mga proyekto. Nakakitaan siya ng galing sa pag-arte kung kaya’t nakasama siya sa mga palabas tulad ng Love 2 Love, Darna, Super Twins at Marimar. Marami-rami na rin ang nagawang pelikula ni Cristine.
Umingay ang pangalan ni Cristine Reyes noong 2007 ng sa wakas ay napapayag na itong mag-pose ng seksi sa isang magasin. Naging calendar girl din ito kasama si Katrina Halili.
Nakaranas din ng kontrobersya ang aktres ng kumalat ang mga larawan nito kasama si Joross Gamboa. Lalo din umingay ang kanyang namesung ng tinawag siyang third party kina Dennis Trillo at Carlene Aguilar. Sa sobrang batikos sa kanya ay napagdesisyunan nitong lumipat sa Kapamilya network.
Mas kinilala bilang mahusay na aktres si Cristine sa bakuran ng dos. Marami ang nagulat sa mataas na ratings at papuri sa sexy-drama series na Eva Fonda, kung saan siya ang bida. Tuwing sabado naman ay nagpapatawa ito sa Banana Split. Paminsan-minsan ay sumasayaw din ito sa ASAP ’09.
Dahil sa kawalan ng primetime project, mukhang binabalak ng manager ni Cristine na ibalik ito sa Kapuso network. May mga bulung-bulungan na inalok daw kay Cristine ang papel na Valentina sa Darna. Pero hindi ba’t ayaw na ni Cristine Magkontrabida? May mga chika tuloy na baka si Cristine na nga ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven. Wala pang nakakumpirma nito.
Hindi rin naman papahuli ang dos. May offer daw it okay Cristine pero hindi pa nakakapagdesisyon ang kanyang kampo.
Para sa inyo, Dapat bang bumalik sa Kapuso network si Cristine Reyes, o dapat ba siyang manatili na lamang bilang isang Kapamilya?