NAGKAROON NG misa sa Heritage Memorial Park nu’ng kamakalawa ng umaga para sa 40th day ng kamatayan ni Dolphy.
Si Eric Quizon ang nag-ayos nito at dinaluhan ng iba pang mga anak ng Comedy King na sina Vandolph, Ronnie, Epi, Sahlee, Nicole at marami pa.
Wala si Zsa Zsa Padilla dahil nasa Amerika pa ito para sa launching ng ZO Line ni Dra. Vicki Belo at nagpa-check-up na rin siya roon. Sana nga, okay ang resulta ng check-up dahil nu’ng nakaka-text ko si Vicki, medyo maselan pa raw at ayaw nga niyang magkomento tungkol diyan. Ang dinig ko naman, meron pang isang check-up siya roon na kailangan niyang gawin kaya medyo matagalan pa siya roon.
Meron din daw misa roon para kay Dolphy kasama ng ibang mga anak ng Comedy King at doon na sumama si Zsa Zsa at si Zia.
Bahagi na rin ng pag-alala kay Dolphy, magkakaroon ng mala-king event sa August 31, kung saan magsasanib ang tatlong malalaking TV network na GMA-7, ABS-CBN 2 at TV5.
Sabi ni Eric, isang tribute benefit concert ito para sa lahat na nagmamahal sa Comedy King na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. Magpe-perform dito ang mga star ng tatlong malaking network na mapapanood sa tatlong istasyon. Mura lang ang ticket na nagkakahalaga ng 150 pesos sa general admission, 250 sa upper box at 450 sa lower box.
Parang donasyon lang ito dahil lahat ng malilikom dito ay mapupunta sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation. Maraming projects dito ang naturang foundation at ang isa nga rito ay ang pagpapatayo ng classrooms sa Emilio Jacinto Elementary School sa Tondo, Manila. Kaya suportado ito ng lahat bilang pagbibigay galang sa nag-iisang Comedy King.
SA AUGUST 29 na pala ang showing ng I Do Bidoo Bidoo at malamang hindi na makahahabol si Zsa Zsa Padilla sa premiere night nito dahil meron pa raw itong isa pang check-up sa Amerika sa August 27.
Naintindihan naman ito ng mga producer dahil alam nila ang pinagdaraanan ngayon ng Divine Diva.
Todo naman ang promo ng ibang stars gaya nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid na maganda ang production number nila sa 33rd anniversary ng Eat Bulaga nu’ng nakaraang Sabado.
Very positive naman ang mga producer na sina Mr. Tony Gloria at Madonna Tarrayo ng Unitel at sina Atty. Ray Espinosa at Mr. Bobby Barreiro ng Studio 5 na tatangkilikin ang pelikulang ito dahil sa mga awitin ng APO Hiking Socie-ty na gustung-gusto ng masa.
Sana nga mag-hit ito dahil parang mahirap tanggapin ng mga Pinoy ang mga musical film. Bale 18 songs dito ng APO ang mapakikinggan sa I Do Bidoo Bidoo, at pawang hit songs ito kaya sana nga mag-hit din sa takilya.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis