HALOS ‘DI MAKAPANIWALA ang baguhang teenstar na Teejay Marquez nang magsuguran ang kanyang fans sa Area05 Super Club and Concert Hall sa Tomas Morato, Quezon City sa isang event two Saturdays ago, kung saan kasama ito. Karamihan nga sa mga dumalo sa event na iyon ay ang mga tagahanga ni Teejay sa isang va-riety show kung saan kabilang ito.
“Nagtext brigade lang po ako sa mga kaibigan at kakilala ko at nag-post ako sa aking 4 accounts sa Facebook na I will be doing a dance number sa event na ‘yun. Nagulat nga po ako dahil karamihan po sa mga dumalo ay nabasa nga raw nila sa Facebook ko,” masayang pahayag ni Teejay na naunang nakilala sa ramp at print modelling.
Umabot na nga raw sa 15,000 ang friends at fans ni Teejay who call themselves Teejaynatics simula nang mag-appear ang mabait na binata sa mga shows ng Kapuso Network, ang Tween Hearts every Sunday, Walang Tulugan with Master Showman ni Kuya Germs, at sa Blusang Itim sa Dramarama sa Hapon.
“I am so overwhelmed po with these tremendous support na ibinibigay sa akin ngayon. Sana ipagpatuloy nila ang pagtangkilik sa ‘kin at nand’yan sila all the way para suportahan ako. Thankful po ako kay Lord na sa ‘kin ibinigay ang mga break na ito. Kaya naman gagalingan ko lalo at pagbubutihin ko pa,” dagdag pa ng guwapong teenstar.
Sa aming pakikipagkuwentuhan kay Teejay, nabanggit din nitong hindi niya inaasahan na manonood din sa nasabing event ang head ng GMA Artist Center na si Arsee Baltazar.
“Hindi nga po ako makapaniwala na nandoon din si Sir Arsee. Siguro dumaan lang siya to check kung how is my talent as far as dancing is concern. Sana nakapasa po ako sa standard ni Sir Arsee,” mapagkumbabang bulalas ni Teejay.
Puro positive nga ang feedbacks na natatanggap ni Teejay ngayon. At dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanya, sinasabing siya na ang television’s newest teen heartthrob.
“Naku overstatement po ‘yan. Marami din naman mas higit na guwapo at ta-lented kesa sa ‘kin, haha! Pero maraming salamat po, lalo na sa mga Teejaynatics at malaking karangalan kung tinuturing akong ganyan. Pero I guess it’s still a long journey. It doesn’t stop here at marami pa akong dapat patunayan,” nakangiting pagtatapos ni Teejay.
WITH ALL THESE demandahan sa pagitan ng mga celebrities and entertainment writers, timing ang ibinigay ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta sa mga kasamahan sa panulat na get-together cum lecture about libel two weeks ago.
Nalaman din namin ang ilang mga limitasyon sa pagsusulat at ang mga karapatang kaakibat ng responsibilidad sa malayang pamamahayag. Kaya naman naging malaking tulong ang pagkakataong iyon para maging ‘maingat’ sa pagsusulat ang ating mga kapatid sa trabaho.
Dinumog man ng mga kaibigang writers, imbitado man o hindi, ang nasabing okasyon na ginawa sa opisina ni PAO Chief Acosta, very casual lang din ang naganap na Q&A, na maging ang family at sex life ng magaling na abogada ay pinag-usapan.
Imagine nga naman, sa sobrang busy ng schedule ni Atty. Acosta sa PAO, mayroon pa siyang Public Attorney na public affairs show sa TV5, may panahon pa ba naman siya para gampanan ang role sa tahanan bilang ina at bilang asawa? Wala ngang kagatul-gatol na sinagot ng ‘yes’ ni Chief Acosta, na ko-lumnista rin dito sa Pinoy Parazzi, ang mga katanungang iyon patungkol sa kanyang personal at private lives.
O, ‘di ba? Kung walang inuurungan ang isang Chief Acosta sa mga laban niya sa korte, ganu’n din siya ka-game kung sumagot even sa mga daring na tanong. ‘Yun na!
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores