WOW! VERY SUCCESSFUL ang 2 shows in one day ni Vice Ganda sa Dafna Ballroom ng Sheraton Hotel, Doha, Qatar last July 15. Hindi makapaniwala ang “Unkabogable Star” na almost 3 weeks lang ang preparation nito, pero punumpuno ang venue.
Kaya nga habang binabato ng mga paninira si Vice ay pa-tuloy naman ang mga blessings sa kanya. Kaya wala na ring panahon ang bakla na intindihin pa ang mga bumabatikos sa kanya. Normal lang naman ‘yan. We can’t please everybody.
Katuwiran na lang namin, eh kung ‘yun ba ang makapagpapasaya sa kanila, eh ‘di at least, we made them happy.
Saka sa katitira nila ke Vice, hindi nila namamalayan, nakakalimutan na nila ‘yung mga taong dapat nilang pinahahalagahan.
Saka lahat naman ng umaa-ngat, nakakatikim ng hagupit mula sa mga taong insekyur. Hinahanap nila sa ibang tao ‘yung wala sa kanila. Marunong namang tumanggap ng constructive criticisms si Vice. Depende kung may punto o may hidden agenda ‘yung tumitira. Sabi nga ng isang talent manager, “Biktima rin ang mga alaga ko, kaya apir na lang tayo, Ogs!”
LONDON BRIDGE IS falling down, falling down, falling down… Yes! Nasa London kami ngayon, dahil ipinadala kami ng Globe Telecom para mag-host ng Globe contest para sa mga kababayan nating nagtitipon tipon para sa kanilang taunang Barrio Fiesta.
Grabe, may 250,000 pala ang mga Pinoy rito, samantalang dyuskopo, ke mamahal ng bilihin. Kaya naman ang suweldo nila ay matataas din.
Siyempre, dahil first time namin sa London, itinur kami ng mga friends namin na London-based na sina Ms. Gen Ashley at mister ng high school classmate naming si Rannie Castillo.
Gora kami ng Buckingham Palace kung saan picture ta-king ang drama namin sa facade. Sa Kensington Palace din kung saan nakatira ang nama-yapang si Princess Diana.
Gora rin kami sa pinaka-mall nila, ang Harrods kung saan pa-picture din kami sa shrine nina Lady Di at Dodi Al Fayed kung saan naka-display rin ang kanilang engagement ring.
Sa sushi bar sa loob ng Harrod’s nagmeryenda at ang sabi ng Pinoy waiter doon, “’Yang inuupuan mo, d’yan nakaupo si Leo-nardo Di Caprio two months ago, kaya nagpapiktyur na kami, hahahaha!”
Sumakit ang paa namin sa kagagala, pero ganu’n pa man, parang nandu’n ang pride namin sa mga kapwa Pinoy, dahil isa sila sa nagpapaunlad ng London.
Pero siyempre, kung kami ang tatanungin, iba pa ring makipagsapalaran sa sariling bayan. Suwerte-suwertihan lang siguro ‘yan.
Pero saludo pa rin kami sa sipag, tiyaga at honesty ng mga Pinoy sa London. Ituloy n’yo lang ang pagpupunyagi, mga Kapamilya!
Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”
Oh My G!
by Ogie Diaz