Nora Aunor, balik-‘Pinas, balik-intriga?!

AUGUST 2, MGA alas-kuwatro ng mada-ling-araw, lumapag na ang PAL flight PR 103 sa Centennial Terminal 2. Lulan sa nasabing flight ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Matapos ang halos walong taong pamamalagi sa Amerika, at sa ilang beses na pagkaunsiyami ng kanyang napapabalitang pag-uwi, natuloy na rin sa wakas ang muling pagbabalik sa bansa ni Ate Guy.

Dagsa sa labas ng airport ang pulutong ng mga sabik na tagahanga ni Nora. Kasama sa mga espesyal na taong sumalubong na namataan namin sa airport sina Kuya German Moreno, Laguna Gov. ER Ejercito, Jobert Sucaldito at ang Vice-President for Entertainment ng TV5 na si sir Perci Intalan.

Bago pa man lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Ate Guy, sari-saring emosyon ang nasaksihan namin mula sa kanyang loyal Noranians. May mga kumakanta, may mga taong nangingilid ang luha at merong tahimik na lang sa isang sulok at nagdadasal siguro para sa kanilang idolo.

Ilang sandali lang mula nang inanunsiyo na lumapag na nga ang PR 103, tilian at sigawan na ang mga fans. Hanggang sa lumabas na nga ng airport kasama si Miss Suzette Ranillo at ang mga VIP na sumundo sa Superstar, hindi na magkarinigan ang mga tao.

“Ang saya-saya ko, at last nandito na ako,” ang tanging nasabi ni Ate Guy sa mga katanungan ng media.

Dumiretso si Ate Guy sa kanyang mga tagahanga at halos hindi na sila magkamayaw sa pagsigaw sa kanyang pa-ngalan. Iyakan ng saya ang namutawing ingay mula sa mga fans.

“Masaya ako at nakapiling ko na ulit sila. Salamat sa TV5, kay Gov. ER at Kuya Germs.”

Hindi nagbigay nang mahabang panayam si Ate Guy dahil pagod siya at sa presscon na lang daw siya makikipag-usap nang mahabaan sa mga press.

Welcome back, Ate Guy, and welcome home!

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleMas gustong makasama si Angel Locsin sa movie John Lloyd Cruz, gumaganti kay Sarah Geronimo?
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 99 Aug 3 – 4, 2011 Out Now!

No posts to display