5 buwan nang buntis Maggie Wilson, naglilihi sa cupcakes!

NAKASALUBONG NAMIN SI Maggie Wilson kasama ang kanyang asawang si Victor Consunji at halata na talaga ang kanyang tiyan. Sabi niya, five months na raw siyang pregnant at ngayon lang daw niya ito ipinaalam sa publiko dahil gusto raw muna nilang namnamin ang kaligayahang dulot ng pamilyang magkakaroon na ng anak.

Ang pinaglilihian daw niya ay cupcakes, kaya ba matamis itong baby nila paglabas? Malakas na tawa lang ang sagot niya. At ayon pa sa kanya, marami na raw ipinagbabawal ang doktor sa kanya. Kabilang na rito ang pagkain ng maaalat. Nagpa-ultrasound na rin daw siya at alam na nila ang gender ng kanilang baby. Pero hindi pa raw nila ito puwedeng ipaalam sa publiko. Surprise na lang daw. May ganu’n Maggie?

Well congrats Maggie at Vic at hope namin na maaliwalas ang kanyang pagbubuntis.

GINANAP NOONG MARTES ang ika-24 Aliw Awards sa Newport Performing Arts sa Resorts World. Dito nakausap namin si Raymond Gutierrez, ginawaran kasi siya ng Best Emcee, male category award ng Aliw Awards Foundation.

Bungad ni Raymond sa amin, magsisilbi raw itong inspirasyon sa kanya upang lalo pa niyang galingan ang kanyang trabaho bilang host.

Hindi na rin namin pinalagpas pa sa kanya ang itanong kung ano nga ba ang saloobin niya sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez at inang si Annabelle Rama.

Alam daw niya ang tungkol sa text conversations at pinatunayan niyang si Shaina Magdayao nga ang nag-text sa kanyang kapatid. Saad niya, “She (Ruffa) showed me that it was really John Lloyd’s phone that texted first. And you know it’s not even a big deal who texted first, whatever, at the end of the day. Si Shaina talaga ang nag-text first… it’s about of what the messages said. You know what I mean. It’s just been going on for so long, that for me it’s kinda time to move on.”

Hindi naman maitago ni Raymond na masama talaga ang kalooban niya pagdating sa mga pangyayari between his mom at sa dating kaibigan nitong si Nadia Montenegro. Lahad niya, “You know this just upsets me because these are the people that she helped, a great deal, and people that were close to us, to our family, and these people asked for help and help was given. So it’s just so unfortunate na humantong sa ganito ‘yung relationship and ‘yung friendship… parang nakakapanghinayang and you know you just see talaga that in showbiz, bihira ‘yung mga taong may utang na loob.”

Dagdag pa niya, “Of course it saddens me because I’ve seen how my mom treated Nadia and defended Nadia and her kids, not only to us but to network executives… so nakita ko ‘yung pagtitiwala ni mommy sa family nila, and ganu’n ‘yung gagawin, ‘di ba? May kasabihan nga na, ‘don’t bite the hand that feeds you’.”

Bukas ang aming kolum sa anumang panig na gustong ihayag ni Nadia Montenegro.

MATAGAL-TAGAL NA RIN naming sinusuportahan ang boy group na Voyz Avenue. Katunayan sa CrisyFerminute, sa Radyo Singko 92.3 News FM at Aksyon TV Channel 41 4PM daily, ang show nina Nanay Cristy Fermin at Richard Pinlac kasama si Elmer Reyes at ako, ang kanta nilang Ulap ang aming opening music dahil naniwala talaga kami sa kakayahan ng grupo. Nagkaroon na rin sila ng mga big shows sa Zirkoh at sa Pagkain Club at magkakaroon pa ulit sila ng isang malaking show na ididirek ni Direk Louie Ignacio soon.

Kasama sa grupo sina JZ, Raffy, Gerald, Ice at Neo, na talaga namang ipinagmamalaki namin dahil sa galing nilang kumanta kahit a capella. At 24th Aliw Awards, wagi ang grupo bilang Best New Artist, group category, kaya naman walang pagsidlan ang tuwa at saya nila sa pagkapili sa kanila.

Congrats sa Bossing namin sa TV5 na si Sir Anthony Pastorpide dahil siya ang umaruga at naggapang sa grupo mula noon hanggang sa ngayon. Sa inyong lahat ang aming taos-pusong pagbati ng congratulations!

Congrats na rin kay Gerald Santos at Jonalyn Viray dahil pareho silang wagi sa Aliw Awards.

NOVEMBER 8, 2010, unang pumaimbulog sa himpapawid ang Radyo Singko. Kakaiba ang atake nito dahil AM sa FM ang hatid na programming ng istasyon. Ito bale ang kauna-unahan sa Pilipinas na ang isang FM station ay ginawang news oriented. Pero kahit isang taon pa lang ang istasyon noong Martes, November 8, 2011, nakakuha na agad ito ng regular listeners sa buong bansa at maging sa ibang bahagi ng mundo. Mas lalo pa kasi itong pinalakas nang magkaroon na ito nang sabay na pag-ere sa TV via Aksyon TV Channel 41. Kaya sa mga bumubo ng Radyo Singko 92.3 NewsFm at Aksyon TV Channel 41, congratulations for a job well done!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleSen. Bong Revilla Jr., maagang nangangampanya – Genelyn Magsaysay
Next articleMay involved na third party Joshua Zamora at Jopay Paguia, hiwalay na!

No posts to display