MISS NIYO NA ba ang tambalang KathNiel nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Kami rin!
Daniel Padilla turned 25 years recently. Kinilig kami sa pa-surprise vlog tribute ni Kathryn Bernardo para sa kanyang reel to real-life boyfriend at marami nga ang nagsasabi na feeling nila, anytime soon ay mauuwi na sa totohanang kasalan ang pagsasama ng dalawa.
This year ay nakatakda sanang mag-reunite sa telebisyon ang KathNiel. Matagal-tagal na rin nang magwakas ang huli nilang TV project (La Luna Sangre). These days, napapanood naman natin ang replays ng Got to Believe kung saan unang na-develop ang partnership ng dalawa na nauwi sa totohanan. Sa big screen ay more than a year na rin natin sila hindi nakikita na magkasama. We just miss them so much!
Ngayon na karamihan sa atin ay nasa bahay lang, baka oras na para panoorin ang mga KathNiel movies na hindi niyo napanood noon sa mga sinehan. Kung trip niyo to feel kilig down the memory lane, narito ang Top 5 KathNiel Movies na mapapanood sa Netflix, iWant, iFlix at HOOQ. Are you ready?
-
She’s Dating the Gangster (2014)
Director: Cathy Garcia-Molina
LOGLINE: Athena Dizon plays a trick on campus heartthrob and bad boy, gangster, Kenji de los Reyes. Setting up an arrangement to pretend as lovers-to make his ex jealous-they found themselves falling to each other yet falling apart.
Sa pelikulang ito unang nagpakita ng maturity bilang magka-loveteam ang KathNiel. Based on a popular Wattpad novel, kasama rin sa pelikulang ito ang iconic partnership nina Richard Gomez at Dawn Zulueta playing the older versions of their characters. Dito pinatunayan ng KathNiel na hindi lang pagpapakyut ang alam nilang gawin – may lalim din ang akting nila, huh!
-
Crazy Beautiful You (2015)
Director: Mae Cruz-Alviar
LOGLINE: A spoiled young girl is forced to tag along with her mom on a medical mission in Tarlac. There she meets a young man from a different world who shows her another side of life.
In Crazy Beautiful You, si Kathryn naman ang mayaman at si Daniel naman ang middle class. As expected, their partnership worked. This romance-comedy is recommended for young souls who are lost and looking for deeper purpose in their lives.
-
Barcelona: A Love Story Untold (2016)
Director: Olivia M. Lamasan
LOGLINE: While pursuing a degree in Spain, an architecture student struggling with grief meets a fellow expatriate trying to flee a difficult family life.
Ang pelikula kung saan naganap na sa wakas ang first onscreen kiss nina Daniel at Kathryn! Shot in Barcelona, Spain, this romance-drama will make you fall in love with Barcelona at mapapa-plan ka na lang ng trip to Spain! Dito rin unang nakitaan ng potensyal si Joshua Garcia bilang drama actor. Big deal sa fans ang pelikulang ito dahil natikman nila ang tamis ng unang halik ng KathNiel. Dito rin nanalo ng maraming acting recognitions ang dalawa.
-
Can’t Help Falling in Love (2017)
Director: Mae Cruz-Alviar
LOGLINE: Upon getting engaged, a woman finds out that she is already accidentally married to a stranger and goes about getting her marriage annulled.
Balik tayo sa tunay na romcom! Sa pelikulang ito ay aksidenteng ‘ikinasal’ ang karakters na ginagampanan nina Kathryn at Daniel. Kung paano nila mapapa-annul ang kanilang kasal at kung nanaisin pa ba nilang ituloy ito ang conflict ng pelikula. Ito ang masayang panoorin kung gusto mo na positive vibes lang talaga.
-
The Hows of Us (2018)
Director: Cathy Garcia-Molina
LOGLINE: A young couple dream of growing old together as they as they deal with the struggles of being in a long-term relationship.
The most matured KathNiel movie to date! Dito ay mas naipakita lalo ni Kathryn Bernardo ang kanyang acting range and that she’s a grown woman now. Maraming kabataan na nasa live-in set-up ang naka-relate sa pelikulang ito. Kung kayo ay nasa similar situation, baka mabuti pang panoorin ang The Hows of Us para makapag-muni-muni!
Alin sa mga pelikulang nabanggit ang paborito ninyo? Sana’y makagawa na ulit ng pelikula ang KathNiel!