BONGGA talaga ang beauty ng talented actress na si Bela Padilla. Why? Hindi lang isa o dalawa kundi limang pelikulang pinagbibidahan niya ang mapapanood na sa Netflix starting September 23!
Ilan sa mga box-office films na pinagbibidahan ng mga Viva Leading Ladies like Anne Curtis, Nadine Lustre, Ryza Cenon at Bela Padilla ang in-acquire ng Netflix. Good news ito para sa mga Pinoy na sabik nang makanood ng quality Filipino films lalo na kung sila ay based abroad.
Ang mga pelikula ni Bela na pasok sa line-up ay ang female barkada film na Camp Sawi with Sam Milby, Arci Munoz, Yassi Pressman, Andi Eigenmann, Kim Molina and Dennis Trillo; Luck at First Sight with Jericho Rosales, Meet Me in St. Gallen with Carlo Aquino at ang Pista ng Pelikulang Pilipino favorites na 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentine’s with JC Santos.
This year ay absent si Bela sa Pista ng Pelikulang Pilipino, pero sure ball na ang presence niya sa Filipino remake ng “Miracle in Cell No. 7” kung saan gaganap siya na adult version ng anak ni Aga Muhlach. Ipapalabas ito this coming December bilang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
May dalawang pelikula rin si Bela na tinatapos. Isa with JC Santos at Isa with Direk Paul Soriano.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club