MARAMI ang natuwa nang magbida ang Chinito Kapamilya actor and Viva Artists Agency talent na si Xian Lim sa ‘Love the Way U Lie‘ ng TinCan Productions and Viva Films. Matagal-tagal na rin kasi hindi napapanood ang binata sa romance-comedy genre dahil puro mga seryoso o sobrang sexy na pelikula ang pinagbidahan nito in the recent years.
Malaking boost sa popularity ni Xian Lim ang pagapalabas ng ‘Love the Way U Lie’ sa Netflix Asia. Hindi lang mga Pinoy ang kinilig sa kanya kundi pati ang mga new and existing fans na based sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Trip mo ba mag-marathon ng mga pelikula ni Xian Lim ngayon sa Netflix? Movie marathon na!
1. Bride for Rent (2014)
Starring: Xian Lim and Kim Chiu
Director: Mae Cruz
LOGLINE:
Rocco (Xian Lim) needs to hire a bride so he can access his trust fund. Rocky (Kim Chiu) desperately needs a job. Their marriage starts out fake, but ends up as so much more.
From reel-to-real ang kuwentong pag-ibig nina Xian Lim at Kim Chiu. Marami-rami na rin silang nagawang teleserye at pelikula, pero para sa amin, ang Bride for Rent ang numero uno KimXi movie. Maganda ang combination ng dalawa at noong ipinalabas ito noong 2014, ito ang kasagsagan ng feel-good romcom films sa bansa. Ito ang materyal na puwedeng ihilera sa mga romcom Asian movies na naglalabasan dahil natural ang kanilang chemistry at talagang may kilig factor! Tsinoys in love? Watch na ‘yan!
2. Everything About Her (2016)
Starring: Angel Locsin, Xian Lim and Ms. Vilma Santos
Director: Bb. Joyce Bernal
LOGLINE:
A hard-driving real estate tycoon who becomes ill with cancer hires a medical caretaker who helps her begin to mend faces with her estranged son.
Suwerte si Xian Lim dahil nabigyan siya na makatrabaho ang one and only Star for all Seasons na si Vilma Santos! Idagdag pa na naging leading lady din niya ang isa sa pinakamamahal na aktres ng Pilipinas na si Angel Locsin! With a Star for All Seasons onscreen mother and a real-life Darna superstar leading lady as his ka-loveteam, sino ba ang hindi mapapa-thank you Lord? Ang touching family dramedy na ito ang naging daan para mas seryosohin si Xian Lim bilang isang aktor. Marami ang nakapansin sa kakayahan niya na makipagsabayan sa dalawang co-stars niya na tumatak na ang pangalan sa Philippine showbiz. Kung hindi kami nagkakamali, ito rin ang kauna-unahang mainstream project niya na hindi si Kim Chiu ang kanyang kasama.
3. Miss Granny (2018)
Starring: Sarah Geronimo, Nova Villa, James Reid and Xian Lim
Director: Bb. Joyce Bernal
LOGLINE:
Before settling into a nursing home, a grandmother snaps a magical photo that turns her 20 years younger and join her unsuspecting grandson’s band.
Ang Miss Granny na ipinalabas noong 2018 na pinagbidahan ni Sarah Geronimo ay remake ng isang sikat na Korean movie na ipinalabas noong 2014. Sa pelikula, Xian Lim plays the role of Lorenz, isang talent manager na makakadiscover kay Odrey (Sarah Geronimo). Kahit na hindi nadevelop ang love story angle sa pagitan ng kanilang karakter, dito napatunayan ni Xian na hindi kinakailangan na sa kanya lagi nakafocus ang spotlight ng pelikula para magampanan ng tama ang isang role. There’s no small or big roles, ika nga. Sa totoo lang, wish pa rin namin na magkaroon ng romance-comedy project sina Xian at Sarah! Viva, beke nemen?!?!
4. UNTRUE (2020)
Starring: Xian Lim and Cristine Reyes
Director: Sigrid Andrea Bernardo
LOGLINE:
Meeting abroad, two strangers with intense desires and dark pasts enters a volatile relationship only to discover that perception and truth often clash.
Want a see the sexy yet dangerous Xian Lim? Ang UnTrue ang sagot d’yan!
Ang pelikulang ito ang isa sa mga huling Pinoy movies na ipinalabas bago nagkaroon ng ECQ sa bansa. Marami ang hindi nakapanood nito sa mga sinehan, pero malupit ang reception ng tao nang ipalabas ito sa Netflix noong Hunyo. Kung gusto ninyo makita ang nakakaproud na acting range ni Xian Lim kung saan nasagad ang kanyang galit at pagkadesperado bilang Joachim at mga sexy scenes niya with Cristine Reyes na mala-BDSM, watch it na! Kids, skip niyo muna ito, ha!
5. Love the Way U Lie (2020)
Starring: Xian Lim, Kylie Verzosa and Alex Gonzaga
Director: RC delos Santos
LOGLINE:
With the help of a spunky, lonely-in-love psychic, a deceased wife tries to get her grieving husband to move on. In the process, sparks begin to fly.
Last but not the least, sa happily ever after movie naman tayo!
For the first time ay nagsama bilang magka-loveteam sina Xian Lim at current top YouTube superstar ng Pinas na si Alex Gonzaga. Ang ‘Love the Way U Lie’ ay isang refreshing romance-comedy na very much needed natin sa panahon ngayon na puro malalalim at depressing movie ang pinapalabas. Dito ay nanumbalik ang pagiging charming leading man ni Xian Lim at ito rin ang pinaka-matinong pelikula ni Alex Gonzaga. Buti na lang at napag-desisyunan ng producers ng pelikula na i-pullout ito sa kanseladong Metro Manila Summer Film Festival at ipasa sa Netflix Asia, kung saan hindi lang sa mga Philippine-based subscribers limitado ang pagpapalabas.
Whew! Marami pang pelikula si Xian Lim na hindi namin naisali rito, pero ito ang mga swak na mapapanood niyo now na sa Netflix. Alin sa mga sumusunod ang paborito ninyong Xian Lim movie?