PAO Chief Atty. Persida Acosta, ‘pinahihirapan’ ang production staff!

BLIND ITEM: MASELAN ang paksa ng aming blind item na ito, ipagpaumanhin n’yo if we won’t be generous with the clues to the identities of the personalities involved.

Palihim na pinag-uusapan ang umano’y “pagsasanla” ng kaluluwa ng isang tanyag na personalidad kay Satanas, ewan kung ang hini-ling niyang bargain o kapalit ay ang pagtamasa niya ng sobra-sobrang suwerte sa buhay.

Nagkataong katrabaho na niya ngayon ang isang sikat ding personalidad, na ayon sa kanyang paglalarawan ay parang “kapatid” (not to be mistaken for being gay) daw niya ito na matagal nang nawalay sa kanya. Perhaps guilty of turning anti-Christ, nagpasya ang ating bida sa kuwento na yakapin ang pananampalatayang nananalig sa tunay na Diyos.

Pero may mabigat siyang problema. Buhat daw kasi noong umanib siya sa isang Christian group ay nagagambala ang kanyang pagtulog.  May kung anong ‘di niya maipaliwanag na ingay ang kanyang naririnig tuwing gabi, which he attributes to the work of Satan whom he has betrayed.

Nakapaninindig-balahibo ang ganitong uri ng kuwento, kahit naman yata sinong pinakamaralita nang tao sa mundo—magkamal lang ng salapi ay maaaring gumawa ng masama, pero ang itakwil ang Panginoong Diyos upang sambahin ang kalaban nito ay isang malaking TEKA!

KUNG GAANO KATAGAL na sa ere ang Public Atorni ay ganoon din katagal ang “pahirap” ng host nitong si PAO Chief Persida Rueda-Acosta sa production staff nito.

Faith has something to do with the lady lawyer’s resistance sa pagpapalagay ng kolorete sa mukha, bukod pa sa nakamulatan na nitong payak na buhay. Mahabang pakiusapan pa raw ang nangyayari bago isahod ni  Atty. Acosta ang kanyang mukha para meyk-apan.

“Pero sabi kasi ni direk, mukha raw akong maputla sa TV pag walang makeup. Pero itong lips ko, natural nang mapula,” sabi ng abogada before the entertainment media invited in celebration of Public Atorni’s first year on TV5 sa kanyang mismong tanggapan.

Hindi naman itinanggi ng staff ng naturang mediation program that it is a spin-off from Face To Face (with a new time slot, at 4:30 p.m. beginning last Monday) kung saan—kung may oras din lang siya—nagsisilbing isa sa Trio Tagapayo si Atty. Acosta (in her absence, it’s her lawyer-husband who pinchhits for her). It’s also inspired by Judge Judy, an American legal show kung saan the accused—if found guilty beyond reasonable doubt—is put behind bars right then and there.

Ang kaibahan nga lang ng Public Atorni, it seeks to remedy a specific conflict, na kadalasan nga raw ay tungkol sa estafa, qualified theft and similar barangay cases from sensible to downright inane. May mga pagkakataon na kinakailangan ding sumigaw ng  “Cut!” ang director if there’s an overflow of emotions na hindi mapigilan ni Atty. Acosta, who is a go-between and a legal authority all right, but she’s also human.

Kung malayo man ang narating ng Public Atorni, the same goes for the PAO Chief. Mismong siya na rin ang nakapagtanto how popular she has become, halimbawa na lang ay noong magninang daw siya sa kasal somewhere in Zamboanga ng isa niyang tauhan sa opisina.

Mas siya raw ang dinumog ng mga bisita, who had pictures taken with her for all eternity. Then she realized, “Sumikat pala ako dahil sa a-king programa na tumutugon sa mga problema ng ating mga mamamayan.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleThai superstar Mario Maurer, bulilyaso ang paggawa ng pelikula sa ‘Pinas?!
Next articleWala lang kasing nagtatanong Carlos Agassi, ‘di itinatago ang pagkakaroon ng relasyon sa bading!

No posts to display