AS THIS ISSUE comes out, ma-lamang na natanggap na ng GMA at PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) ang reklamong idinulog ng Startalk TX laban sa kampo ni Lovi Poe.
Ang siste, inimbita ng produksiyon ng isang programa ng GMA ang staff ng mga talk show para sa coverage nito, with Lovi as the next featured star. May clearance na rin mula sa manager ng aktres, si Leo Dominguez, na isa ang Startalk TX sa mga dadalaw sa set.
The said talk show was advised to come during lunch break, as this would be a most convenient time to squeeze itself for the interview. Dumating ang crew ng alas-onse ng umaga, nagkataong alas-dose naman ng tanghali ang appointed time, they patiently waited.
Came lunch break, natural hindi puwedeng istorbohin si Lovi na noo’y kumakain na. The crew still waited, hoping that when Lovi would come out of the tent ay magpapaunlak na ito ng panayam. Kaso, nang iniluwa si Lovi ng tent ay parang wala itong nakita, dinadaan-daanan lang daw nito ang mga nakaantabay na TV crew.
Worse, magte-take na, so pinakiusapan ng staff ang Startalk TX crew if they could wait until the taping was over. Naghintay pa rin ang crew hanggang inabot na sila ng malakas na ulan, seeing themselves drenched in rainwater.
When it was time for the interview, itinawag daw muna ng handler ni Lovi kay Leo ang isasagawang interview sa kanyang alaga. After the phone conversation, sinabi ng handler na hindi na magpapainterbyu si Lovi. Before the Startalk TX crew knew it, alas-singko na pala ‘yon ng hapon, anim na oras silang naghintay sa set nang wala naman palang hinihintay, gayong bago nu’n ay maayos na inokeyan naman ni Leo ang pagpunta roon ng Startalk TX.
Ewan kung ano’ng angst me-ron sa katawan ni Leo, o ni Lovi that both of them seem to have an aversion towards Startalk TX. For sure, ang depensa ng dalawang ito, kasi naman ay binlaynd item si Lovi sa Da Who segment ng naturang programa.
Pero teka, nobody comes forward to say, “Ako ang tinutukoy sa blind item!” unless the clues clearly lead to the subject’s identity. Still, the least than any star can do when “blind-itemed” is to dismiss it as just another funny piece of news never to be taken seriously.
Kung ito nga ang ipinagpuputok ng butse nina Lovi at Leo, then they might as well say it straight to the program’s face, hindi parang ‘yung nalaglag ang mga mata ng hitad down to her genitalia and couldn’t see the crew at eye level!
STILL ON LEO (who claims he’s an effective manager, ows? Parang hindi naman, ‘teh!), isa rin na nasa kanyang kuwadra (or pigsty?) ay si Isabelle “The Reader” Daza.
Isang staff ng isang game show ng GMA ang kumontak kay Leo para sa guesting ni Isabelle. Inalam agad ni Leo kung sino pa ang mga ibang igine-guest sa programa, in-enumerate naman ang staff kung sinu-sino ang mga ‘yon?
Nang banggitin daw ng staff si Pauleen Luna, there was an instant violent reaction from Leo. Sey raw ng hitad: “Si Pauleen? Naku, ‘wag n’yong maitabi-tabi si Isabelle sa kanya, magiging katsipan lang ang kalalabasan ng alaga ko!”
By the way, Leo, sa sobrang effective mo bilang manager, obviously, you don’t watch your artists do their job. Has anybody told you na binabasa na nga’t lahat ni Isabelle ang kanyang mga spiels ay nagkakandabakel-bakel pa siya?
At higit sa lahat, Leo, why don’t you volunteer to be Isabelle’s speech coach? Pinagtatawanan lang naman ang alaga mo sa pagbigkas ng salitang “cosmetology.” Imagine, buong ningning niyang binigkas ito with accent on the fourth syllable, as in cos-me-to-LO-gy?!
Naku, Leo, ayaw ni Inang Maria niyan na cos-me-to-LO-gist noon ni Lovi Poe na hindi pa bayad ng 9 thou sa kanyang serbisyo, eh, noong isang taon pa ‘yon!
TUNGHAYAN NGAYONG MIYERKULES sa Face To Face ang kuwento ni Annavil na pinamagatang Nakakasuka Ang Gusto Mo Na Tatlo Tayo Ng Kabit Mo, Sa Isang Bubong Ay Magkasalo. Panauhin si Prof. Abdul Hadi Dagit ng UP Institute of Islamic Studies na ipa-uunawa kay Rojen na bagama’t isang Muslim ay may nilabag daw itong batas sa kanyang umano’y pananakit sa disabled na misis.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III